Binuksan ni Princess ang flashlight ng cellphone bago dinayal ang numero ni Jess habang may pagmamadaling pumasok sa kagubatang iyon. Subalit, nanatiling out of reach iyon. Kahit ang numero ni Mika ay nakailang dayal na rin siya kahit pa muntik-muntikan na siyang madapa sa masukal na lugar na iyon. Hindi niya makontak ang kahit sino sa mga ito. Sandaling tumigil si Princess at in-open na muli ang search button. May mic doon na puwedeng sabihin ang gustong hanapin. Agad iyong pinindot ni Princess at nagsalita ng may kalakasan. “Revertere ad maledictionem” Subalit, iba ang lumalabas na salita. Marahil ay dahil iba ang pagkakasabi niya kaya hindi nakukuha ng naturang search app. Inilagay niya ang latin to tagalog para malaman ang ibig sabihin ng kaniyang nabasa. Itinayp na niya ang mga s

