Agatha
“DEAN!” Napatayo ako bigla para magprotesta. “P-pero—”
“That. Is. Final, Miss Serrano!”
Nangangatog ang aking labi sa narinig. Suspended? In my nineteen years, ngayon ko lang naranasan na mabigyan ng ganoong klase ng parusa. Marissa and Janice tightened their eyes on me. I could feel their rage over me.
Nasuspinde ako nang hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko, at iyon ang pinakamasama. I’m so weak! Sabay-sabay kaming pinalabas ng opisina. Hindi ko na pinansin si Marcus dahil ang dami nang problemang umiikot sa ulo ko, nadagdag pa ang pag-aaral ko.
Panay ang hikbi ko lang habang humahakbang papalabas.
“Agatha, I hate you! Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa ‘kin!” banta ni Janice. Lumayo na siya.
Hinarap naman ako ni Marcus para humingi ng paumanhin. “Agatha, I’m sorry. I-I have to do it. Pasensiya ka na. Ihahatid na lang kita.”
“Hey!” Nakakuyom ang kamao ko habang nakayuko at humuhugot ng lakas para magalit. Hindi ko na mapigilan! Saan siya humingi ng lakas at kapal ng mukha sa ginawa niya sa amin ni Janice?
“Nasuspinde ako at sinaktan ng dati kong kaibigan—na nobya mo. Pagkatapos ang sasabihin mo lang sa akin ay sorry?” naluluha kong tanong pero diretso ang tingin sa kanya.
Nagkamot siya sa ulo, ngunit napalitan iyon ng pagkainis sa akin. “Kung magaling ka talagang mag-aral kahit nasuspinde ka pa ay hindi naman malaking kawalan iyon sa ‘yo! Ikaw lang ba ang nasuspinde? Ako rin naman, ah! At saka si Janice! Isa pa, kaya ko nagawa iyon kanina ay dahil nalaman ko na rin naman na pinagbintangan ka ni Janice na may relasyon sa ‘kin. Muntik ka na rin namang masuspinde kaya anong pinagkaiba no’n kung itinuloy ni Dean?”
Nangangatal ang labi ko dahil sa galit na hindi ko mailabas nang tuluyan. Alam mo ‘yong galit na may pagpigil at takot? Isa pa ay mas malaki na ang boses niya kaya kinakabahan ako.
Kinain ng kung anong hiwaga ang lahat ng tapang ko sa sarili.
“Ako na nga itong nagmamagandang loob na ihatid ka sa inyo, galit ka pa! Kung ayaw mo, eh ‘di huwag!” Inis siyang naglakad palayo sa akin.
Naiiyak ako dahil hindi ko kaya na may bagsak na marka. Isa akong estudyante na kumukuha ng kurso para sa medical school at malaking kawalan sa akin ang hindi pagpasok sa loob ng dalawang linggo sa iilang subject. Isa pa, ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon?
Nakita ko na lang si Riggs at ang kanyang motor sa labas ng school gate. Matigas ang kanyang mga panga na halatang galit siya sa akin.
Hindi maipaliwanag ang mukha ni Riggs na sa palagay ko ay napuna niya ang mga nangyari. Nasa tabi niya ang kanyang motor habang naghihintay sa paglabas ko. Bahagya niya pang nilingon si Marcus na papalayo sa akin.
Kasalukuyang nakasuot ng dilaw na t-shirt si Riggs. Mapusyaw ang kanyang balat at alon-alon ang buhok. Matangos din ang kanyang ilong at makinis ang kanyang katawan. Wala siyang kahit na anong pilat na marka sa katawan. Kumbaga si Riggs ang tipo ng lalaki na iisipin mong sakristan sa isang simbahan. Masyadong maamo ang kanyang mukha.
“Niloloko mo ba ako, Agatha?” tanong niya sa akin nang makalapit ako sa kanyang kinatatayuan. Salubong ang kanyang mga kilay na halatang galit.
“No! Of course not!” agad kong tanggi.
“Nakikita mo ba ang hitsura mo ngayon? Lumabas si Nadine kanina lang para umuwi at sinabi niya sa akin na nagkaroon kayo ng gulo nina Janice at Marissa dahil may relasyon ka kay Marcus.”
Si Nadine na naman. Hindi ko alam kung paano pipigilan ang pinsan ko sa mga kalokohan na sinasabi niya. Kahit ang problema ko kay Janice ay siya rin ang may kagagawan.
“N-nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kanina, pero nagsasabi ako ng totoo,” katwiran ko kay Riggs.
“Talaga ba? Eh, ano pala ang nasaksihan ko ngayon-ngayon lang?”
Agad kong hinawakan ang kamay niya para suyuin siya. Normal naman na umakto ng ganito si Riggs dahil marahil ay nagseselos siya. Kinakabahan ako na magalit siya sa akin. Siya na lang ang tanging masasandalan ko sa ngayon na wala si dad.
“Babe, please believe me. Wala akong relasyon sa kanya. I will never do that behind you.”
***
“AHHHH!” Hindi ko napigilan na sumigaw matapos dumaan ang linyang ilaw sa kalangitan at pagkatapos ay dumagundong iyon. Nawala tuloy ang imahe ng nakaraan, ang isa sa mga araw na sinusumpa ko.
“Agatha!” I heard Tibor’s voice downstairs. “Agatha, anong nangyayari? Get the fvck out of there or else I‘ll crawl the stairs to get you!”
Nagmadali akong bumaba. Nangangatog. Pinagpapawisan nang malamig. Nagsalubong ang mata namin ni Tibor dahil naroon siya sa paahan ng hagdan. Nagmamadali akong bumaba.
“Come here! Are you alright?” tanong niya. Sinuri niya ang katawan ko.
“I-I’m scared. T-takot ako sa kulog at kidlat.”
“Gusto mong samahan kita? Halika! Sound proof ang silid ko.” Hinawakan niya ang pulsuhan ko para igiya. Ganoon na lang ang sigaw ko nang mamatay ang lahat ng ilaw habang patungo kami roon. “Calm down.”
May kung anong kapayapaan sa tinig ni Tibor dahilan para kumalma ako. Pinapasok niya ako sa loob ng silid. Hindi ko na masyado pang naririnig ang kidlat tulad ng sabi niya, ngunit hindi ko alam ang gagawin matapos pumasok doon. Binuksan niya ang solar lamp dahilan para matagpuan namin ang isa’t isa kahit pa nga mapusyaw ang liwanag nito.
“You can sleep on my bed while I’ll stay in my wheelchair,” pukaw niya sa akin.
I looked at his huge bed. “I— Hindi ako nakakatulog sa kama. Hindi ako komportable. Mas lalo kong nararamdaman na mag-isa ako—na malungkot,” mahina kong usal.
“You want me to lay beside you?”
Marahan akong tumango. Sigurado na palagay ako kung nariyan si Tibor sa paligid. In one swift move he was already sitting on the bed. May dumaan muling kidlat sa bintana kaya naman nagmadali ako na sumampa sa kama, ngunit nakatalikod sa kanya. Tibor covered me using his quilt.
“Sleep well, Agatha.” He even tapped my head.
Mas lumundo pa ang katabing espasyo ng kama.I closed my eyes, but I couldn’t sleep. His bed was relaxing, and yet I was still awake. Having Tibor beside me, there was an urge deep within me to touch his muscled arms or the tattoos on his back. I rolled my body in his direction. Nabigla pa ako na nakatingin siya sa akin.
“Agatha?” he whispered, holding my gaze.
“Yes?”
“Kailangan mong matulog para makaalis na ako sa kama. Maghahanap ako ng gagawin,” aniya.
“Why?” It doesn’t make sense. Ibig ba niyang sabihin ay iiwan niya akong mag-isa muli rito sa higaan?
“I can’t sleep having the thought of you on my bed. My hands and my head are fvcking itchy.”
I don’t understand him even a single word. “What do you mean?”
“You are killing me. Do you really want to know?” he asked, grunting.
“Uhm, yeah?” I was so clueless. Ang alam ko lang ay hindi ako makatulog dahil gusto ko na mas malapit siya sa akin.
But Tibor is Tibor. He would not restrain even a single bit. So, he said what was on his mind. “I want to squeeze your chest, lick your nip*le or bury my head between your legs. Those are the things I want to do right now. I want to. Fvck. You.”