Hindi alam ni Patrick kung paano itatama ang iniisip ni Janine na si Jane ang nasa isip niya kanina. Kung sumasagi man sa isip niya si Jane, iyon ay dahil gustong-gusto niya nang ma-annul ang kasal nila. Dapat ay nakinig na siya sa mga magulang niya na hindi niya na dapat pinatagal pa ang kasal nila ni Jane. Granted na sana ang annulment na iyon dahil matibay ang ebidensya niya na niloko lang siya ni Jane. "May kailangan lang akong pirmahan, aalis tayo kaagad. Sa labas tayo mag-lunch." "We have a lot of work to do, Patrick. Ngayong dalawang kliyente na ang napabalik natin sa kompanya, kailangan nating mag doble ng effort para mapaganda ang serbisyo natin sa kanila." "But, I want to celebrate our success." "Saka na lang natin i-celebrate kapag natuwa na sila sa serbisyong ibinigay natin

