"Nag-usap na tayo tungkol dito, Patrick! Magfa-file tayo ng bankruptcy para tuluyan nang maputol ang ugnayan mo sa mga Edejer! Bakit nagbabago na naman ang isip mo?" Kanina lang ay malamig pa ang ulo ng Mama niya habang umiinom ng mainit na kape. Pahapyaw pa lang niyang nasabi sa Papa niya ang plano niyang ipagpatuloy ang Romano Shipping Line pero kaagad na sumabat ang ina. "It's not that easy to close a big company, Mama. Mawawalan tayo ng kredibilidad sa mga business partners natin pati na sa mga suppliers na nagtiwala sa 'tin." "No, Patrick, don't worry about that." Sumagot na ang Papa niya. "Alam na ng mga negosyanteng matagal na sa industriya ang ganyang kalakaran. At bubuksan pa rin naman natin ang shipping line, sa ibang pangalan nga lamang. Magpapapasok tayo ng bagong investors

