Masaya si Janine dahil maghapon niyang maaasikaso si Jace kahit pa mamayang gabi ay hindi siya dito matutulog. Kailangan niyang pagbigyan si Patrick na matulog sa condo na kinuha nito para sa kanya. Kung hindi ay dito makikitulog ang asawa ng kapatid niya at wala siyang magagawa kung hindi ang ipakilala si Jace. Gusto na rin naman niyang malaman ni Patrick ang tungkol sa anak nila. Pero nang malaman niya kanina kay Lindsay na nasa date ito kasama ang babaeng inirereto ngayon ng mga magulang nito, nagbago na naman ulit ang isip niya. Baka makagulo lang silang mag-ina sa plano ni Darius para sa anak. Baka hindi pa ito ang tamang panahon. Kapag maayos na ang kalagayan nilang lahat ay baka puwede na. Ipinasyal niya ang anak sa isang mall bago sila nag-grocery. Kasama niya ang isang katulong

