Alexa BUMAGAL ang ikot ng mundo at parang naging manipis ang hangin na aking nilalanghap. Ang kinimkim kong sakit matagal na panahon na ang nakakaraan ay biglang umusbong. Nagliyab ang apoy ng galit sa puso ko nang makitang muli si tatay. Nadagdagan pa ang galit na nadarama ko dahil ngayong bumalik siya, nawala na naman ang isa sa mga mahal ko. Ang anak ko. Sa pagkawala ng aking munting anghel, parang nawala rin ang isang bahagi ng aking pagkatao. Para akong nalumpo sa ikalawang pagkakataon. Ni hindi ko siya naramdaman sa sinapupunan ko. Hindi ko man lang naranasan na dalhin siya ng matagal sa loob ko. Ipinagkait sa akin ang maging isang ina. Siguro para sa iba, sasabihin nila na pwede pa naman ulit makabuo, kahit ilan pa. Pero panganay ko 'yon, eh. Unang bunga ng pagmamahalan naming ma

