Nagsisimula na ang pagdiriwang nang makapasok siya sa malaking bulwagang iyon. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay na nasa entrance ng room kaya nagpanggap siya bilang isang waiter at pumasok sa loob ng comfort room para doon magpalit ng formal suit. May binayaran siyang tao para makakuha ng uniform ng waiter. Dalawa ang kinuha niya, isang pang lalaki at isang pang babae. Nagbayad rin siya para mailusot ang damit niya doon. Gwapong gwapo siya sa suot na itim na formal suit. Pinagupitan niya ang buhok at ini-style-an ito ng gel. Nagpahaba din siya ng konting balbas at bigote para hindi mamukhaan. Last na isinuot niya ay ang itim na mask sa mukha. Masquerade ang theme ng party na iyon at kailangan niyang makihalo sa mga ito. Huminga siya ng malalim at kinapa pa ang maliit ng baril na

