Nilakad nila ang isang liblib na daan sa lugar na iyon at hindi pa nagtatagal ay may nakita na silang isang maliit na bayan. Dahil medyo basa pa ang suot nilang mga damit ay napagpasayahang bumili muna ng maipapamalit sa mga ito. Pumasok sila sa unang nakitang tindahan ng ukay ukay. Doon ay pumili sila ng mga damit na masisusuot pansamantala. Pinag-disguise ni Jake si Yumi at pinag suot ng damit pang lalaki. Nang maisukat na ang mga damit na napili ay hindi na hinubad ang mga iyon at agad nang binayaran ang mga ito. Bumili rin sila ng shades at sumbrero na bago pa man umalis doon ay inayos muna ni Jake ang pagkakalagay ng bagay na iyon sa uluhan ng babae na noo’y pinusod ang buhok at itinago ang laylayan para hindi siya agad mapagkamalang babae. Nang maiayos na iyon ay kinindatan pa nito

