SALUBONG ang kilay ni Gavin habang nakatingala sa kalangitan. Hindi talaga natakot si Khalid na pantayan ang regalo niya kay Angel. Alam naman niya na wala talaga siyang pag-asa pagdating sa babae pero gusto niya talaga ang dalaga. He wants Angel not just because he loves her but because of so many things. Having Angel by his side means a lot to him. His parents want her as a part of the family because she's a good catch. Noon pa man ay naikukumpara na siya ng magulang niya kay Khalid at sa kuya niya. Ang kuya niya ang tumutulong sa daddy niya ngayon sa business nila at maayos nitong nagagampanan ang trabaho nito. Alam niya na magaling kasi ang kuya niya kaya hindi niya masisisi ang magulang. But comparing him to Khalid is another story. "Look at Master Cally's son. He advances his stud

