CHAPTER 02: Purchased Heart, Stolen Breath

1717 คำ
Miyona Saimori Hindi ko alam kung panaginip ba ito o ano. Kanina lang ay bigla kong nalaman na ibinenta ako ng madrasta ko sa isang matandang mayaman, na ayon pa kay Lynette ay pangit, sa halagang 20 million pesos. Tapos ngayon, biglang kaharap ko na si Noah Abram Delavega, isa sa mga pamangkin ng amo kong lalaki, na si Sir Devin Sr. Delavega. Oo, kilala ko siya dahil sa tuwing nagkakaroon ng events sa pamilya ng amo ko, pumupunta ang mga relatives nila at kasama na nga itong si Noah Abram, na nagpakilala ngayong si Mr. D. Malamang, ang ibig sabihin ng D ay Delavega. Pero bakit sinabi niya sa akin ngayon na pakakasalan niya ako? Paano nangyari 'yon? Bakit naisip niya akong bilhin sa stepmom ko? Hindi ko maintindihan. Maingat niyang ibinalot sa akin ang makapal niyang coat bago niya ako binuhat. "Kung hindi ka sana tumakbo, hindi sana masusugatan ang mga tuhod mo," aniya habang inilalapit na ako sa kotse niya. Hindi ko alam kung sinisermonan niya ako o ano. Malumanay naman siyang magsalita. Patuloy kaming pinapayungan ng isa sa mga tao niya. Nakaramdam ako ng labis na hiya. Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking mukha, lalo na't nararamdaman ko kung gaano katigas ang mga braso niya at dibdib na nakadikit na ngayon nang husto sa katawan ko. Napakalapit din ng mukha niya ngayon sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang may mga butterfly sa sikmura ko na lumilipad-lipad. "B-Basa ka na," mahinang sabi ko sa kanya. "It's okay," sagot naman niya habang ipinapasok na ako sa loob. Parang napakabait naman niya. Maingat niya rin akong inilapag sa upuan dito sa backseat. "We’ll stop by the clinic so a doctor can treat your wounds." "H-Hindi na," agad ko namang sagot. Tumitig naman siya sa akin, at 'di ko mapigilang mailang. Napayuko na lamang ako. "D-Doctor ako, 'di ba? K-Kaya ko nang gamutin ang sarili ko." "Oh, right." Napangiti siyang bigla hanggang sa lumitaw ang maliliit niyang dimple sa gilid ng mga labi niya. Napakaganda ring pagmasdan ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. "I almost forgot," aniyang muli. "I was thinking you only treat fur babies." "Hindi naman," mahina kong sagot. "Licensed veterinarian ako. Kaya ko ring gamutin ang sugat ng tao … lalo na kung simpleng galos lang." Tumango naman siya. "Okay. In that case, let’s head straight home. Let’s go, Edgar," aniya sa driver niya. "Yes, Sir." Agad din naman nitong pinaandar ang kotse. Napalunok akong bigla. Ititira niya ba ako sa bahay niya? "Umm, S-Sir Noah," tawag ko sa kanya. Agad din naman siyang lumingon at ngumiti. "Noah..." aniya. "Just call me Noah." "N-Noah... totoo bang ... binili mo ko sa ... halagang ... 20 million?" "Yes," diretso niyang sagot. Napanganga naman ako. Muling bumalik ang malakas na kabog ng dibdib ko. "P-Pero bakit?" "Well, sa isang restaurant kahapon lang na pinuntahan ko, there was a group at a nearby table… three businessmen and a woman... I overheard their conversation, and the woman was offering her stepdaughter to those men... In other words, she was selling you dahil may pinag-uusapan silang halaga ng pera bilang kapalit mo." Ganun na lamang muli ang pagnganga ko. Parang pinipilas ang puso ko sa mga sandaling ito at ramdam ko ang 'di mapantayang sakit. "I even heard that one man offered five hundred thousand, while another offered one million… The woman showed them a picture, and I recognized it immediately… It was you in the photo… Kaya inutusan ko agad ang Executive Assistant ko na kausapin ang babae kahit nasa kalagitnaan pa sila ng meeting... Nagsisigaw sa sobrang tuwa ang stepmom mo when she heard the amount—20 million pesos... She grabbed everyone’s attention in the restaurant. Meanwhile, I was in a corner, just watching her." Mabilis na umagos ang mga luha ko sa pisngi, na agad ko ring pinunasan. Hindi ko mapigilang mapayuko dahil sa labis na hiya at sakit na nararamdaman ko ngayon. "H-Hindi ko akalain na magagawa niya talaga 'to sa akin," ani ko. "Dati, tinutulak niya lang ako na makipag-blind date sa mga mayayamang lalaki. Ngayon, tuluyan na niya akong ibinenta." 'Di ko mapigilang mapahagulgol. "Kaya kaysa mapunta ka sa hindi mo kilalang tao, ako na lang ang bumili," aniya. "At least you already know me. You know you’re safe with me." Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "But…" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa pisngi ko bago hinawakan ang baba ko at bahagyang iniangat. Muling nagtagpo ang aming mga mata. "You will marry me…" aniyang muli sa napakalambing na tinig. "As payment for the amount I gave your stepmom… Is that okay?" Hindi ko pa rin malaman ang sasabihin ko. Sa huli'y tumango na lamang ako. At least ngayon, alam ko nang sobrang guwapo pala at hot ng lalaking bumili sa akin. Pero bakit naman ganun ang pagkakaalam nina Tita Laura at Lynette? 'Yon ba ang sinabi ng Executive Assistant niya kay Tita Laura? "Okay. Good, we understand each other," aniyang muli bago umayos nang pagkakaupo sa tabi ko. "I won’t stop you if you still want to work at the veterinary clinic. Propesyon mo 'yan at sigurado akong pinangarap mo yan, kaya wala akong karapatang humadlang." "T-Thank you," agad kong sagot. 'Di ko rin mapigilang makaramdam ng saya. Sa pag-aakala ko kasi, dahil binili niya ako, ikukulong niya lang ako sa bahay niya. "But … please don’t forget your duties as my wife," aniyang muli. "You understand that, right?" "Y-Yes. Of course," agad kong sagot. "Uunahin kitang asikasuhin bago ang trabaho ko." Muli siyang ngumiti. "Good. If you need anything, don’t hesitate to tell me. Magpapaalam ka rin kung may mga gusto kang puntahan. Hindi naman kita pipigilan." Muli akong tumango at ngumiti. "Okay." ***** Pumasok ang kanyang sasakyan sa mataas na gate kung saan sa loob nito ay bumungad agad ang isang napakalaking mansyon. At dito lamang ito sa Oranbo Crown Residences sa Pasig—lugar ng mga mayayamang tulad niya. "Wow..." bulong ko sa labis na paghanga habang pinagmamasdan ito mula sa loob ng kotse. Tumila na ang ulan at maliwanag na rin ang paligid, kaya nakikita ko ito ngayon nang malinaw. At talaga namang mapapanganga ka sa sobrang ganda at sobrang laki nito. "I-Is this your house or your family’s?" tanong ko kay Noah nang 'di siya nililingon. "My own house … and yours too, from now on," sagot naman niya, na ikinalingon ko sa kanya. "I-Ibig mong sabihin, t-tayong dalawa lang ang titira dyan ngayon?" "Yes, along with our household staff and security guards." Tuluyan nang huminto ang kotse sa tapat ng main door nito na naka-elevate. Grabe? Kaming dalawa lang talaga? Ganito kalaking bahay? Eh, parang kasya na dyan ang isang buong barangay. Binuksan ng tauhan niya ang pinto sa tabi niya. Nauna na siyang lumabas bago niya ako muling binuhat. Muli akong nakaramdam ng hiya, lalo't napakalapit muli ng mukha niya sa akin. "K-Kaya ko na sigurong maglakad—" "No," agad niyang putol sa sinasabi ko. "Malalaki ang mga sugat mo sa tuhod. That must hurt." Hindi na ako nakipagtalo pa. Masarap naman talaga ang pakiramdam na nasa bisig niya—ramdam ko ang init ng katawan niya na bumabalot sa akin ngayon. Dati-rati, si Devin Jr. lang ang pinagpapantasyahan ko, ang minahal ko sa loob ng walong taon buhat noong nagtrabaho ako sa clinic nila. 18 pa lang ako nang mag-apply bilang assistant sa isa sa mga vet nila sa isa sa mga veterinary clinic na pag-aari rin nila. Kasabay ng trabaho ko, nagsimula na rin akong mag-aral sa 6-year Doctor of Veterinary Medicine program para maging licensed veterinarian. Maaga akong nagtrabaho para matustusan ko ang pag-aaral ko. Trabaho sa umaga, aral sa gabi. Pero kapag kinukulang ako ng pambayad sa tuition fee, totoong nagbibigay si Tita Laura. Pero kaunting kaunti lang naman at may kasamang reklamo pa niya 'yon. Malayo sa sinabi niyang iginapang niya ang pag-aaral ko. Nagsa-sideline din naman ako noong high school sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke, para hindi lahat ay galing sa kanya. At noong maka-graduate na ako, opisyal na akong naging licensed veterinarian sa edad na 24. Naging vet ako ng isa sa mga clinic na pag-aari ng pamilya ni Kuya Devin Jr. at full-time na rin akong nagtatrabaho ngayon sa kanila sa loob na ng dalawang taon. 26 pa lang ako ngayon. Ako na halos ang sumasalo sa lahat ng gastusin sa bahay namin, para lang hindi na magreklamo pa si Tita Laura. Pero hindi pa rin siya nakuntento. Si Kuya Devin Jr. ay matagal kong naging kaibigan at madalas ay pumupunta kami sa mansyon nila. Matagal ko ring kinimkim ang damdamin ko para sa kanya. Pero noon pa man, alam kong parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Panganay siyang anak ng amo ko, at apat na taon na siyang kasal sa napili niyang babae, kay Ms. Ember. Masakit sa akin noong una, pero sa katagalan ay natanggap ko rin. Wala na rin naman akong magagawa pa kung magmumukmok lang ako sa isang sulok. May mga anak na sila ngayon at ninang pa ako ng panganay nila, si Evon. At hindi ko akalaing ngayon, biglang tumibok muli ang puso ko ... ngunit sa ibang lalaki na, at pinsan pa niya. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na naririto na kami sa loob ng tahanan niya, pero ang mga mata ko ay nananatili pa rin sa kanya. Natigilan lang ako nang lumingon na siyang muli sa akin at ngumiti. "Mini-memorize mo ba ang mukha ko?" tanong niya. "H-Ha?" Napalunok naman akong muli at binalot muli ng matinding hiya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "H-Hindi. Pasensiya na." "It’s okay. I know just how handsome your fiancé is," sagot niya na may kasama pang pagkagat-labi, dahilan para mas lalo pa 'yong mamula. "At sa'yo na lahat 'yan ngayon," dagdag pa niya. Ewan ko ba, pero ramdam ko ang paggapang ng kakaibang init sa puso ko dahil sa sinabi niya. Parang lumulukso ang puso ko sa mga sandaling ito. Akin na ba talaga ang lalaking 'to ngayon? Oh, God… Miyona, what did you do to deserve this? To have someone like him? He’s too perfect... Wala ka nang hahanapin pa!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม