AF Chapter 21: Confused & feelings HINDI KO alam kung ilang oras ba ako inabot sa loob ng stock room at nag-ayos lang ako ng mga papeles sa kanya-kanyang drawer ng mga ito. Mainit sa loob at masyadong masikip dahil sa dami rin ng mga gamit dito. Kaya pagpapawisan talaga ako na maging kilikili ko pa yata. Panay ang pagpunas ko ng pawis ko sa noo at leeg ko. Napanguso ako nang makita ko ang dumi na dumikit sa pants ko. Bakit kasi ito pa ang sinuot ko? Kung alam ko lang, tss... Maya-maya lang ay naramdaman ko ang hangin na tumatama sa gilid ng mukha at sa leeg ko. Ang akala ko noong una ay may hangin ang nakapasok sa loob pero naalala ko na sarado pala ang mga bintana rito at walang aircon sa stock room. Naka-squat ako nang hindi tumatama sa floor ang pang-upo ko at nilingon ko ang may

