Agad niyang tinawagan ang manager ng banko kung saan niya idineposit ang ibinayad ni Zandro sa kanya two years ago. Umabot ng two hundred thousand ang bill nila sa ospital kaya may natitira pang three hundred thousand. Ang ibinayad niya sa theraphy ng ina ay galing na sa allowance na binibigay ng ama noon. Hindi niya alam kung bakit talagang hindi niya ginastos ang perang iyon para sa ibang bagay, darating pala siya sa ganitong sitwasyon. Pinakiusapan niya ang manager na gawin iyong manager's check dahil sa importanteng kailangan niyang bayaran. Kilala niya ang manager dahil kaibigan iyon ni Johnson at iyon din ang bankong gamit ng kumpanya ni Johnson. Matapos ang isang oras na paghihintay ay pabalik na siyang muli sa ospital. Alas dos y media na siya dumating roon pero dahil wala namang

