Zoey's PoV: "Bakit ka naman nagpatawag ng meeting, Mare?" Tanong ni LJ. Nakakunot ang kanyang noo habang matamang nakatingin sa akin. Magkakatapat kaming nakaupo sa isa't isa. "Ichichika mo na ba sa amin ang lovelife mo with the b***h CEO?" Nikki said while smirking mischievously. Talagang inaantay nila ang pagkakataon na ito. Well, we all love gossiping though. Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. "Yes and kailangan ko ng advice nyo." Automatic na napatakip ako ng aking tenga nang sabay silang tumili. Ugh! Mabuti na lang talaga at nasa bar kami ngayon. Kanya-kanyang business ang mga tao. Napaayos sila bigla ng upo. They're really interested to know what happened to me. Since naganap ang pag-amin namin ni Samantha ng so called relationship namin, ngayon ko lang uli sil

