Chapter 63- Intimidation of Menacing Split Intentions to Love Conflicts Malakas na ibinalibag ni Paxton ang huli niyang kalaban sa pader at agad niyang hinawakan ang ulo nito at malakas namang inumpog doon na wala ng malay na ikinahiga nito sa sahig. Hinihingal na nilingon ni Paxton ang limang mga di niya kilalang mga lalaking basta-bastang pumasok sa bahay niya, mabuti nalang at kapapasok lang ni Irish sa kwarto nila kung nasaan ang kanilang anak. Hindi niya hinayaan na makataas ang kaniyang mga kalaban na bahagya siyang nahirapan dahil lima ang kailangan niyang pigilan. Naisip ni Paxton na tauhan ng mga kalaban niya sa negosyo ang mga sumugod sa bahay nila pero nagtataka siya kung bakit may lakas ng loo bang mga ito na sugurin ang bahay niya. Napasandal si Paxton sa pader habang hinah

