Chapter 61- Acceptance and Free at once. Split Intentions to Love Conflicts. “Damn it! Itayo niyo ako dito?! Can someone come here and help me stand up!” sigaw ng alter ng ama ni Maki dahil sa pwesto nito. Nakatihayang nakabagsak sa sahig ang kinauupuan niya at hindi ito makakilos ng ayos dahil sa pagkakatali nito, habang si Maki ay nakatingin lang dito at hindi parin makapaniwala sa nalaman niya na hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba o hindi. Sa dami ng ginawa nito sa kaniya hindi niya mapaniwalaan na hindi ang ama niya ang gumawa ng lahat ng bagay na ‘yun kundi ang second persona nito na katulad ng kondisyon na meron siya. Nang sandaling makita niya ang kaniyang ama kanina at tinatanggi ang mga sinasabi niya, ang hinagpis na nakita ni Maki sa mga mata nito ay may hinagpis at ka

