Nagising si Jules na masakit ang ulo. Parang galing siya sa nakahabang paglalakbay. Nahawakan niya ang higaang katabi pero wala si Sheryl. Napabalikwas nang bangon si Jules at nalilitong inilibot ang paningin. Wala nga si Sheryl! Tuluyan na siyang tumayo at hahagilapin sana ang kinaroroonan ng nobya nang matigilan. At bigla, nanlaki ang kaniyang mga mata sa realisasyon. Patay na nga pala si Sheryl! At siya ang pumatay sa dalaga! Siya nga ba? Oo, ata? Siguro... Nasapo ni Jules ang sariling ulo at napasabunot. Hindi maaari! Naalala din niya na isang baliw na doktor ang may kagagawan ng lahat ng ito! Nagmamadaling pumasok si Jules ng banyo at naligo. Kailangang mapuntahan niya si Sandro! *** "Hayop ka! Nasaan na ang bangkay ni Sheryl?!" Sa ikalawang pagkakataon, kinuwelyuha

