Nasa kasarapan nang pakikipagniig si Jules sa ika-limang girlfriend niya ng may narinig na bumagsak. Halos sabay silang napalingon sa may gawa niyon. Muntik nang mapaismid si Jules nang makita ang tulalang si Dianne. Naku naman... Kabastusan man kung ipagpapatuloy nila iyon sa harap ng pangit na dalaga. Agad niyang kinuha ang brief na isinampay pala ni Fe sa headboard. Nang-uuyam naman ang ngiti sa labi ni Fe nang makita ang itsura ng babaeng nasa b****a ng kuwarto. Ngumiti pa ito kay Dianne bago nagtapis ng kumot. Matapos namang maisuot ni Jules ang brief, nilapitan niya si Dianne at mukha ng nanuno sa pagkakatayo. Nasulyapan niya rin ang basag na bote sa paanan nito. Inis na hinila niya ito palabas ng kuwarto. "Umuwi ka na. Tatawagan kita mamaya para..." Pabulong ang pagkakasabi n

