‘Umayos ka nga Maro. Kung ano-ano kasing iniisip mo,’ sa isip ni Maro. “Hmmmmm…” napapikit ng mga mata si Neo. Nasasarapan ang pakiramdam niya sa pagpunas ni Maro sa kanyang likod. Ang bawat hagod ng bimpo sa balat niya ay nagbibigay ng ginhawa sa kanyang pakiramdam. ‘Lintik!’ sabi ni Maro sa isip. Narinig niya kasi ang mahinang pag-ungol ni Neo. ‘Kailangan ba talagang umungol?’ tanong pa nito. Patuloy sa pagpupunas si Maro habang nasasarapan naman si Neo sa ginagawa ng kanyang brother-in-law. “Pwede ba Kuya, pakipunasan na rin ang mga hita at binti ko?” pakiusap ni Neo habang nakapikit pa rin ito ng mga mata. “Mukha kasing mahihirapan akong yumuko,” sabi pa nito. Napahinto si Maro sa pagpupunas. ‘Sh*t!’ napamura na si Maro sa isip niya. “Kuya?” pagtawag ni Neo. “Ah… o-oo. Sige,” n

