CHAPTER 7

1869 คำ
Chapter 7: Emergency SA KALAGITNAAN nang pagkukuwento namin ni Haze ay saka naman umepal ang matalik niyang kaibigan. “Haze!” sigaw ni DV sa pangalan ni Haze at bigay todo ang pagtawag niya. Halatang mainit pa ang ulo. “Whay?” tila bored na tugon naman ng kasama ko at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa buhangin. May dumikit pa sa shorts niya, pero hindi siya nag-abalang tanggalin iyon. Dahil naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ang kaniyang kamay at inalalayan niya akong tumayo, saka lang niya pinagpagan ang shorts niya. Kaya iyon din ang ginawa ko. Kasama pa rin ni DV iyong babae na nagngangalan na Arjana. Parang isang linta kung makakapit sa braso ng aking asawa. Siguro sa ngayon ay hinahayaan ko pa silang gawin iyan sa aking harapan. Ngunit darating ang araw ay magagawa ko rin silang paghiwalayin. Tiningnan ko si DV na ang atensyon niya sana ay nasa best friend niya. Mabilis na sinulyapan niya lang ako, bago niya ito sinagot. “Samahan mo muna si Arjana. Ipasyal mo siya and I’ll talk to Aurora.” Bahagyang napataas ang isa kong kilay. Finally binanggit na niya ang pangalan ko. Kung nandito lang siguro ang ate niya ay baka matuwa pa iyon. Hindi iyong binibigyan niya ng stress. “Just say it that I want to talk to my wife. That easy, nahirapan ka pa,” nakaismid na komento ni Haze sa kaniya. “Shut up, Haze,” mariin na suway niya rito. Nang muli niyang ibaling ang paningin sa akin ay napaatras naman ako. Sino ba naman ang hindi? Ang dilim ng aura niya at wala talagang emosyon ang kaniyang mukha. Hinawakan na naman niya ang kaliwang braso ko. Napadaing ako dahil sa nararamdaman kong hapdi. Oo nga, matagal nang naghilom ang injury ko. Hindi nga lang siya totally gumaling. Iyon nga lang ay hindi na puwedeng igalaw. Natigilan naman siya sa nakitang reaksyon ko. Ako naman ang natigilan. Pinadausdos niya sa aking baywang ang kaniyang braso at napasinghap ako. Bumilis agad ang t***k ng puso ko. Ang init ng kaniyang kamay. Napalakad niya ako nang wala sa oras, nang nagsimula na kasi siyang maglakad. Gusto ko pa sanang lumingon sa naiwan namin doon, ngunit hindi man lang gumalaw ang aking katawan. “Take it easy, dude,” pahabol na sambit ni Haze. Dinala niya ako sa cottage at naninibago ako sa ginagawa niya ngayon. May mabait na esprito ba ang sumapi sa katawan ng asawa ko? Bumabait yata siya ngayon o ginagawa niya lang ito, kasi napagalitan siya ng kaibigan niya? O siguro din ay pakitang tao lang siya. Malaki ang cottage at ’sakto rito ang sampung katao. Inayayahan niya akong umupo at parang batang sumunod naman ako sa kaniya. Naguguluhang tiningnan ko lang siya at ngayon ay may kausap na sa cell phone niya. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ngayon? Iginala ko na lang ang paningin ko sa paligid. May mga tourist din ang nagpupunta sa islang ito at ang iba ay nagtatagal pa sila nang isang linggo sa hotel. Isa ito sa negosyo ko dinadayo pa ng mga tao sa ibang bansa. Dahil na rin sa maganda ang hotel, ang isla at maganda rin ang reputasyon nito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay may pumasok na sa mga staff ko. Dala-dala nila ang tray at alam ko kung ano ang laman niyon. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. Nang isa-isa nilang ilapag nila ang tray na may lamang dalawang coffee mug, fried rice, hotdog, toasted bread, iilan na kapiraso na hiniwang prutas. May pancake pa at orange juice. Okay, sino naman kaya ang kakain nito? Kami bang dalawa? Sasabay siya kakain ng breakfast sa akin? Ang isa kong staff ay maayos na naglagay rin ng dalawang platito, kubryertos at isang pitcher ng malamig na tubig. Nang matapos na sila ay dagli rin silang umalis, pagkatapos naman nilang magpaalam sa amin. Siyempre, kilala nila ako. Tahimik na umupo si DV na nasa tapat lang ng inuupuan ko. O baka siya lang ang kakain ng mga ito? Kaya bakit pa niya ako dinala rito? “Sino ang kakain—” “Don’t ask just eat your breakfast. Alam kong hindi ka nakakain nang maayos kanina. Breakfast is the most important meal, as starting the day requires a nourished body. As a doctor, I must remind you of this. Concern citizen lang ako,” he said at gusto kong mapairap. Ha, concern citizen? Iyon na sana. Matutuwa na sana ako sa ipinapakita niya sa akin ngayon, pero naglaho rin iyon kaagad. Tss. “So, your point is parang pasyente mo lang ako kung ganoon?” supladang tanong ko sa kaniya. “Kumain ka na lang. Sayang ang pagkain kung lalamig pa ito,” naiinis wika niya at binalewala ang sinabi ko. Ang dali talagang mag-init ang ulo ng isang ito. “Hindi ko kakainin ang lahat ng ito. Coffee and sandwich will do,” sabi ko. “Kaya pala ang payat mo.” Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi at ngumisi lang din siya sa huli. Ngali-ngali kong burahin ang nakaasar na ngisi niya. Ngising demonyon. “Oh ngayon may pakialam ka na?” nang-aasar kong tanong. “Fine, asawa kita at responsibilidad din kita. Baka sabihin ng daddy mo ay pinapabayaan kita and besides, I’m not into this s**t. I was trapped into a marriage with someone I never knew, thanks to my parents.” He even gritted his teeth. “Stranger, I see,” tumatangong saad ko. Parang kunukurot talaga ang puso ko. Halatang-halata sa kaniya na disappointed siya sa nangyari sa amin. Hindi ko naman alam kung bakit hindi niya kayang tanggihan ang parents niya. Choice naman niya ang umayawa, but hindi niya naman ginawa. And how about me? Oo, matagal ko na siyang kilala. Noon pa man, but he doesn’t remember me, even though we’ve known each other for a long time. Nang sabihin naman ng aking ama na ikakasal na ako ay hindi naman ako umangal. Dahil kusa rin akong sumang-ayon. Mas kilala ko agad kung sino ang lalaking napupusuan ni Papa. Tapos siya ay ipammukha pa niya sa akin iyon? Na ayaw niya talaga sa akin kahit kasal na kami. “Bakit hindi ang babae mo ang yayain mong mag-breakfast?” I asked him, sarcastically. Dumilim naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala na akong pakialam pa kung magagalit siya. “Look, I don’t want to fight with you. Why don’t you want to eat?” Ayaw niyang makipag-away, ngunit ang lamig naman ng kaniyang boses. Iyong akala mo na isa siyang volcano at anytime ay sasabog na siya o isa siyang dragon na handa nang bumuga ng apoy. Iyan ang hitsura niya ngayon. Concern citizen? Psh. Mukha niya. Naghari na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na rin magawang kumibo pa. Nakaiilang na talaga. Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi pa kami nagkikibuan. Ngunit iyong tunog ng cell phone ko ang bumasag sa katahimikang iyon. Tumingin pa ako kay DV, bago ko dinukot sa aking bulsa ang cell phone ko. Binasa ko ang caller ID. Bud is calling. Sinagot ko naman kaagad ang tawag ni Bud. Isa pa NA mukhang emergency ang tawag niya. Hindi naman siya tatawag sa ’kin kung hindi kami nagkakaroon ng problema sa kumpanya. Lalo pa na nasa honeymoon stage pa ako kasama ang aking magaling na asawa. Hindi naman talaga ako inaabala ng secretary ko. Not unless... May emergency nga talaga. “Yes, bud?” sagot ko at mula sa peripheral vision ko ay nakatingin sa akin si DV. Seryosong-seryoso ang titig niya sa ’kin. Na tila binabantayan ang bawat kilos ko. “Madam, I apologize for calling, but I need to talk to you about something urgent,” he said. Sa tono pa lang ng boses niya ay mukhang nababahala rin siya. “What is it, Bud?” kalmadong tanong ko sa kaniya. Narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong-hininga mula sa kabilang linya. “Madam, our Palawan project has encountered a major issue. The police report indicates a generator explosion led to a devastating fire,” he reported. “Paanong nangyari iyon? Nasaan ang operator natin? Nakalimutan niya bang i-check ang generator power?” naguguluhan kong tanong. At ang malaman ko na nasunog ang buong gusali ay alam kong may naging biktima niyon. “Hindi ko rin po alam, Madam. Nagdududa rin po ako na baka hindi iyon ang dahilan nang pagsabog. Dahil ayon sa mga nakasaksi ay tatalong beses nilang narinig ang pagsabog.” May nagsabotahe ba sa project namin sa Palawan? “What about the construction workers? The engineers and others?" Ngayon ay lumamig na ang tinig ko. Sari’t samong posibilidad na ang naiisip ko. What if marami talaga ang nasaktan doon? And worst may namatay? What if mas bumaba ang tingin sa amin ng investors namin? At masira ang reputation ng kumpanya namin? Pangalan ko na rin ang masisira kung nagkataon. “Marami po ang na-injured, Madam. May namatay po. We’ve suffered significant losses, including millions in budget and materials. We need you here urgently, Madam,” mahinahon na saad ni Bud. Kailangan ko ngang pumunta roon upang kumustahin ang mga biktima. Mabilis na tumayo naman ako at tila nakalimutan ko na rin ang aking kasama sa mga oras na iyon. Isa lang kasi ang pumasok sa isip ko. Ang makapunta agad-agad sa Palawan. “Sa tingin mo, Bud ay ano talaga ang totoong nangyari?” tanong ko. “I’ve contacted our private investigator regarding this incident. Hintayin na lang po natin ang impormasyon kung sino ang nasa likod nito. Hindi ito aksidente, Madam. May kinalaman ang mga tao rito. Kahit alam kong nasa honeymoon kayo, kailangan namin ang inyong presensya. Ang kamag-anak ng ating construction worker ay isa sa nagreklamo ng aksidente,” mahabang pahayag pa niya. Napahilot na lamang ako sa aking sentido. Parang tumaas agad ang blood pressure ko sa nangyayari ngayon. “Okay, pupunta na ako ASAP. Alam mo na kung nasaan ako kaya ipahanda mo ang private chopper natin,” utos ko sa kaniya. Wala sa sariling naglakad na ako at palabas na sana ako mula sa cottage nang may humawak sa braso ko. “Where are you going?” naguguluhang tanong ni DV. Sa pananahimik niya kanina ay nakalimutan kong kasama ko pa pala siya. “Wala ka nang pakialam pa,” supladang sagot ko at binawi ko ang aking kamay. Muli na sana akong aalis nang hinuli niya ulit ang braso ko. “Ano ba ang problema mo?” naiinis kong tanong sa kaniya. “Tinatanong kita kung saan ka pupunta. Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis ngayon?” “Pupunta ako sa Palawan. Ayos na? Bitiwan mo na ang kamay ko,” aniko at nagpumiglas pa ako, pero humigpit lang ang hawak niya sa ’kin. “Ano ba, Dervon?! Hindi mo ba nakikitang nagmamadali ako?!” “I’ll go with you then.” Napahalukipkip ako sa kaniyang sinabi. “At bakit—Dervon!” tawag ko sa kaniya, dahil lumabas na siya mula sa cottage. Dire-diretso na ang paglalakad niya kaya mabilis ko siyang hinabol. Seryoso ba siya na sasama siya sa akin? Pero bakit naman?! Oh, goodness!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม