“Jesse, may bisita ka!” sigaw ng kanyang Mama mula sa sala. Nasa loob siya ng kuwarto nilang mag-ina. Binibihisan niya si Chester para pumasok sa pang-umagang klase nito. Napasimangot siya nang marinig ang sigaw ng ina. ‘Bakit ang aga ng taong ‘yan dito?’ sa loob-loob pa niya. “Sino’ng bisita mo, Mommy?” tanong ng bata. Winisikan niya ng pambatang cologne ang anak sa leeg at braso nito. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi. “Hmm… ambango na ng anak ko! Tsk. Baka si Tito Sloan mo ‘yan. Alam mo namang palaging wrong timing ‘yon kapag pumupunta rito sa bahay natin,” nakangiting sabi na lang niya sa anak. Inayos na niya ang bag nito at hinawakan iyon. Sumunod ang anak niya at napatingin siya kay Sloan na nakaupo sa may kalumaan nang sofa ba beige. Tumayo ito nang makita silang mag

