Chapter 9 to 12

2697 คำ
(CHAPTER 9- 12) Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ CHAPTER 9 Inihatid pa din ako ni Marco kahit sinabi kong wag na. As usual, wala na naman kaming imikan sa sasakyan nya. "Pano mo nga pala ako tatawagan kung may ipapagawa ka e hindi mo naman alam ang number ko ?" Curious na tanong ko sa kanya. Di sya umimik at may kinuha sa lagayan sa kotse nya at inabot sa akin. "Ano to?" "Can't you see? It's a phone." Sarcastic na sagot nya sa akin. "Alam ko namang cellphone ito, aanhin ko naman ito e meron na ako. Hindi nga lang kasing mamahalin nyang ibinibigay mo sakin." "That's for you. It's exclusive. Nakasave na din dyan ang number ko. You are going to use that to contact me. Don't you dare to use that to contact other people other than me." Napaka arte naman talaga. Di na lang kunin yung number ko. Di na ako nakipagtalo pa. Baka maging dragon na naman syang bigla. Pagdating namin sa bahay nila Wendy. Di man lang ako pinagbuksan ng kotse. May season ata ang pagiging gentleman nya. Pagbaba ko umalis agad. ******** Sa pinto palang sinalubong na ako ni Wendy ng nakakalokong ngiti. "San ka natulog kagabi?" Nakangising tanong ni bakla "Pwede pasok muna ako sa loob?" "Ay ang sungit! Saan ka nga natulog?" "Dun kina Marco." "Tumataas ang altapresyon ko sayo girl, akala ko ba nagpapanggap lang kayo bakit may pa-sleep over si papable?" "Nakatulog kasi ako sa kotse nya habang nasa biyahe kami." Depensa ko. "OA yang tulog mo girl ah. Tulog mantika? Di mo naramdaman na may bumuhat sayo? Manhid ?" "Grabe ka naman sa akin besh, wala namang nangyari eh. Dun nalang siguro nya ako pinatulog sa kanila dahil madaling araw na natapos yung party nila." "Defensive ka girl, aminin mo nga Trixie naisuko mo na ba ang bandera ng Bataan? Naku Naku.." "Ikaw ang OA Wendell. Sabi na ngang walang nangyari." "Wendell na naman? Sabi ng Wendy na ako ngayon. Okay fine! Nagpapaalala lang. Panggap lang besh wala munang pagapang ha." "Kumusta naman ang party?" "Naku besh,mas masaya pa sa salon mo. Napakaboring. Nagpapatagisan lang ata sila ng yaman dun eh." "Gaga natural ganon talaga ang party ng mayayaman. Syempre kailangang palawakin ang connections." May papikit pikit pang sabi ni Bakla "Ay wow naman bakla. Mayaman ka girl? Saan mo naman nakuha yang ganyan?" "Minsan manood din ng mga KDrama besh para may mapulot ka namang idea sa buhay mayaman." Pagyayabang ni Wendy "Alam mo namang mahalaga ang bawat minuto sa akin, yung ipapanood ko ng KDrama na yan raraket na lang ako." May buntong hininga na sagot ko. Ring......ring....ring.... "Uy bakla may tumatawag ata sayo." Hinanap ko yung cellphone sa bag, yung cellphone na bigay ni Marco kani-kanina lang ang tumutunog. For sure sya ang tumatawag exclusive daw itong phone eh. Kita ko nga ang pangalan nya pero nag aalangan akong sagutin. "Hoy Trixie kanina pa nagriring yang cellphone mo, wala ka bang balak sagutin? Sino ba yang tumatawag?" Medyo inis na sabi ni Wendy. "Si Marco." Tipid lang na sagot ko. "Omo!!! Callmate na kayo ni papable? Sagutin mo na bilissssssss." Lumayo ako kay Wendy at sinagot ang tawag. "Hello." Hinintay kong magsalita sa kabilang linya "What the hell are you doing Ms. Mercado. Kanina pa ako tumatawag sayo." Galit na pambungad nya sa akin. "M-may ginawa lang po. May ipapagawa po kayo?" Kinakabahang tanong ko. "I'm just checking on you." Mahinahon na sabi nya. Ito na naman ang puso ko... bumibilis ang t***k kapag mabait sya sa akin. Minsan nga mas gusto ko na lang na masungit sya, mas nasasanay na ako sa ganun. "O-okay lang n-naman ako. Ikaw naman ang naghatid sakin." "Napagod ka ba kagabi?" Casual nyang pagtatanong. "N-napagod?" Utal-utal kong tanong "Galing tayo sa Gala kagabi at inabot tayo ng madaling araw. What were you thinking Ms. Mercado?" Ang awkward. Bakit ba kasi ang slow ko naman. Ano pa ba ang ikakapagod ko maliban sa pagtunganga sa party nila kagabi. "Ah eh. Pagod pa po at puyat pero makakapagpahinga naman po maya maya " bawi ko. "Okay,good. See you tomorrow. Come to my office 8am sharp. We something to talk about." "Sige po Sir." "Thank you for the last night." Pahabol nya saka binaba ang tawag. Nag-thank you sya? Bakit naman e ginagawa ko lang ang trabaho ko. Naguguluhan ako tuloy sa kanya. Di ko na alam kung maiinis ako o hahanga sa kanya. CHAPTER 10 Naging daily routine ko na ang paggising at paghanda ng maaga papasok sa aking bagong trabaho. Lagi kasing 8am ang call-time sa akin ni Mr. De Luna. 7:30 palang nakabantay na ako sa harap ng opisina ni Sungit, mahirap ng ma-late baka magalit na naman yun sa akin. Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang secretary. "Good morning po." Bati ko. "Good morning din po Ma'am. May appointment po kayo kay Sir?" "Ah opo. Pinapapunta po nya ako dito." "Sa loob na lang po kayo maghintay. Wala pa po si Sir." Pumasok na ako sa opisina ni sungit at umupo sa sofa habang hinihintay sya. Iginala ko ang mata ko para kabisaduhin ang detalye ng buong opisina nya. Di ko kasi nagawa yun nung unang beses na nagpunta ako dito dahil na rin siguro sa inis ko sa kanya. Masasabi ko namang napaka-metikuloso nya sa mga design ng office nya, limitado lang. Kumbaga kung ano ang kailangan yun lang dapat ang makikita. Meron syang bookshelf at puro tungkol lang sa business ang mga libro. Sabagay yun ang kailangan nya sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Di ko napigilang kumuha ng isang libro about Business Management at nagsimulang buksan ang mga pahina. Business-related course din kasi ang gusto kong kunin sa pasukan. Bumukas ulit ang pinto pero hindi ako lumingon. Baka yung secretary nya yun at may nakalimutan lang. "Who told you to touch my things, Ms. Mercado?" Nagitla ako sa boses ng nagsalita. Si Marco---- galit na naman kahit ang aga aga pa. Nabitawan ko tuloy yung librong binabasa ko dahil sa gulat. "S-sorry Sir. Di ko naman po sinasadya makialam. Na-curious lang po ako sa content nung libro related po kasi dun yung course na gusto kong kunin." Biglang lumambot ang itsura nya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Daig pa nya ang bipolar. Naalala ko bigla yung sabi ni Chanelle na may traumatic experience daw itong si sungit pero pag lagi namang ganito ang sitwasyon namin baka mauna pa akong dalhin sa mental kesa sa kanya. "Oh about that---- nakapili ka na ba ng school na papasukan mo? Malapit na ang pasukan." Tanong nya habang nakaupo sa swivel chair nya. Bagay na bagay sa kanya yung lamesa at upuan nya, parang nakatakda talaga sya para magmay ari ng kompanya. Nakakatitig lang ako sa kanya. "Staring is rude." Biglang sambit nya. Nagising ang diwa ko dun sa sinabi nya. Baka akalain nya may binabalak akong masama. Haysss di talaga ako nag iingat. "Hindi pa din po Sir. Medyo matagal pa naman po yung pasukan, madami pa akong time para mag isip. Bakit nyo nga po pala ako gustong makausap?" "Since they know you as my girlfriend, you have to stay near me as much as possible. You will work with me here in the company. Hindi naman laging nandito si Chanelle, I am not paying you for doing nothing, am I right?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya, nung una girlfriend lang pero ngayon trabaho sa kompanya kasama sya? "S-sure kayo Sir? Gusto nyong magtrabaho ako dito sa kompanya nyo? High School graduate lang po ako Sir, wala po akong alam sa pasikot sikot sa gawain sa kompanya." Alangan na tanong ko. Biglang pumasok ang secretary ni Marco. Madami syang dalang paper bags at mukhang pinamili sya ng ganito kaaga? "Oh there you are, Beatriz." Sabi ni sungit "Ms. Mercado, si Beatriz ang magtuturo sayo ng mga gawain dito. Be a fast learner and don't do anything stupid." Seryosong sabi nya sa akin. "Mr. De Luna, nandito na po ang mga pinabili ninyo." Tinutukoy nya yung madaming paperbags na dala nya papasok. "Ms. Mercado, para sayo yan." "Ha ? Sa akin po ? Ano po yang mga yan??" Gulat na reaksyon ko. "Why don't see it for yourself?" Nilapitan ko yung mga pinamili ni Beatriz at tinignan isa isa ang laman ng paperbags. Mga damit na naman. "Para saan po ito Sir?" Baling ko kay Marco. "You are going to work with me so you must be decent-looking." Pagkasabi nya nun ay lumabas na agad sya na parang nagmamadali. Kasama ba talaga sa trabaho ko ang pagbili nya ng madaming damit? Sabagay, wala naman akong maisusuot na pormal kapag nagtrabaho ako dito. Naiwan kami ng secretary nya na si Beatriz. Pagkaalis na pagkaalis ni Marco nagtitili siya na parang kinikilig. "My gosh girl........." sabay hawak pa sa kamay ko. "Bakit Ms. Beatriz?" "Masyado ka namang formal sa akin, Bea nalang. Alam mo kakainggit ka girl. Ang swerte swerte mo. Para kang living Cinderella na sa wakas ay nakatagpo ng Prince Charming mo." Pilit lang ang ngiting naisukli ko sa mga sinabi nya. Tunay ngang mala- Cinderella ang buhay ko ngayon pero syempre kagaya ng totoong buhay ni Cinderella may limit din. Di ko alam kung kelan ang 12o'clock para sa akin at para bumalik ang buhay ko sa dati. "Ms. Mercado, magstart na tayo sa mga dapat mong malaman sa mga pasikot sikot dito sa kompanya ni Sir." "Kahit trixie na lang. Di naman ako masyadong maselan sa pangalan." "Okay. Mukhang magkakasundo tayo girl. Kailangan mong imemorize ang bawat department ng kompanya, ganun din ang bawat schedule ni Sir. Ikaw na rin ang sasagot ng mga tawag para sa kanya. Kailangan updated sya sa mga meetings nya ahead of time, kung hindi--- tawagin mo na lahat ng santo na pwede mong tawagin. Ayaw ni Sir ang late." Pagbabanta ni Bea. "Kailangan ko talagang imemorize lahat yun?" "Oo girl. Ang sabi kasi ni Sir kapag kabisado mo na daw lahat yan ililipat na nya ako ng Department. Kaya kailangan mong aralin lahat yan." Napressure naman ako sa sinabi ni Bea sa akin, kailangan ko pa itong aralin lahat dahil later on maiiwan akong mag isa para gawin lahat ang trabaho nya. Lumabas na si Bea at iniwan ako dito sa loob ng opisina ni sungit. May kailangan daw syang gawin. Binabasa ko lahat ng mga iniwan ni Bea na dapat ko daw basahin. Ngayon palang nalulugaw na ang utak ko. CHAPTER 11 MARCO's POV After ng meeting ko, bumalik na ako sa opisina ko. Naabutan kong nakasubsob si Trixie sa lamesa. Nakatulugan na siguro nya yung mga ibinigay sa kanya ni Bea na dapat nyang aralin. Di ko muna sya ginising. Tinitigan ko lang ang mukha nya. Napakaamo, malantik ang pilik-mata, may katangusan din ang ilong at------- Kissable lips. Parang nag init ang katawan ko nung napadako ako ng tingin sa mga labi nya. Dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko sa kanya nang biglang gumalaw sya. Nabigla ako at natigilan sa muntik ko ng gawin. Nagdilat sya ng mata nya, gulat na gulat at biglang tumayo sa pagkakaupo. "A-andito na po pala kayo Sir." Kita sa kanya ang pagkataranta ng maabutan ko syang nakasubsob sa lamesa ko. "Bakit ka natutulog sa oras ng trabaho Ms. Mercado?" "S-sorry po. Di ko po namalayan na nakatulog na ako habang nagbabasa nitong mga iniwan ni Ms. Beatriz." Natataranta pa rin sya. My goodness. I am being too hard on her. Masyado ko na ata syang napipressure sa mga pinapagawa ko without considering her welfare. "Ayos lang po kayo Sir?" Tanong nya. "Why?" "Para po kasi kayong nag aalala, may problema po ba?" "Nothing. Yung table mo nandun sa kabilang side. Wag ka na uulit matutulog sa table ko. This is the last time I'm warning you." "O-po, opo. Sorry po ulit Sir." Nilapitan nya yung table na sinabi ko sa kanya. Para syang bata na nagniningning ang mata dahil binigyan ng bagong laruan. Ang lapad ng ngiti nya and I am starting to like that smile. "Dito po ba yung table ni Ms. Beatriz? Sabi po kasi nya kapag nakabisado ko na yung mga gawain nya ililipat nyo na sya ng Department." "No. Hindi dito ang table ni Beatriz. Sa katapat na opisina yun. Pinapatawag ko lang sya kapag may ipapagawa ako. That is for you, para mabantayan ko yung mga kilos mo." Napaawang na naman ang bibig nya sa sinabi ko. Ano bang special sa lamesa at upuan? May pagka-weirdo rin sya. "You mean Sir, dito ako sa opisina mo mismo magtatrabaho kasama ka?" Medyo exaggerated na tanong ulit nya. "Bakit ba andami mong tanong? You are very talkative." Iritableng sagot ko. "S-sorry Sir." Yan na naman sya. Puro sorry na lang ang naririnig ko sa kanya. It makes me feel more guilty about my actions. "Trixie, drop that Sir or Mr., just call me Marco. Girlfriend kita so no need for formalities when talking to me." "Okay, M-marco." Naiilang sya but I'm sure she will be use to it. CHAPTER 12 Para akong nananaginip ng gising nung sinabi sa kin ni Mr. De Luna na dito daw ang table ko, parang dream come true. Hindi pa man ako nakakatapos ng kurso na gusto ko pero magkakaexperience na agad ako sa trabaho na related dun. Dinala ko na lahat ng mga papeles na kailangan kong basahin dito sa table ko. Nakakahiya naabutan pa akong natutulog sa table ni Sir este ni M-Marco pala. Ano kaya ang nalanghap nun na hangin at ayaw na magpatawag sa akin ng Sir? Kinilig ako ng kaunti nung sinabi nyang girlfriend nya ako kaya dapat pangalan lang nya ang itatawag ko sa kanya. Ewan ko ba bakit pakiramdam ko parang totoo yung pagkakasabi nya. Nagfocus na lang ako sa pag aaral ng mga dapat aralin. Napakadami eh. **** Halos isang oras na pala ang nakalipas na hindi ko na naman namalayan dahil sa pagbabasa. Nagpahinga muna ako kasi sumasakit ang brain cells ko. Nilabas ko yung cellphone ko, yung personal na gamit ko talaga at tinext ko si Wendy. Pag ganito talagang stressed ako sya ang happiness ko. Di pa rin nya ako tinitigilan sa mga intriga nya sa akin. Napalakas ata ang tawa ko dahil pasimpleng umubo si Marco. Dedma na lang ako ulit at diretso sa pagreply sa mga text ni Wendy, this time pigil na ang tawa ko. Mahirap na baka maawardan na naman ako. "Trixie." "Hmmm?" "Where is the phone I gave you last time?" Napatingin ako sa kanya sa tanong nya, bakit naman nya hinahanap ang phone na binigay nya. "Nandito po sa bag." "Bakit hindi mo ginagamit?" "Sabi mo exclusive lang yun, at gagamitin ko lang kapag kokontakin kita. Since magkasama naman tayo dito sa opisina mo, hindi ko yun kailangang gamitin." "Tsk." Angil ni Marco. Ano na naman bang nasabi kong mali? ***** Nagpabili si Marco ng pagkain kasi lunch na. As usual andami na naman. Puro pagkain sa fast foods lang. Walang sustansya. Masarap naman kaso mas sanay akong lutong bahay ang kinakain ko. Mas masarap kasi kumain ng pagkain na ikaw mismo ang naghanda o mahal mo sa buhay ang naghanda. Tahimik lang na kumakain si Marco. Ako medyo malamya at tila napansin nya ang inaasal ko. "Why? You don't like the food?" Tanong nya. "Hindi naman sa ganun, masarap naman. Eatwell." Pagkukunwari ko baka sabihin naman choosy ako. "If you don't like the food I can ask Beatriz to buy what you want." Dagdag pa nya. "No ! Hindi. Okay lang ako. Sanay lang kasi ako sa mga pagkain na lutong bahay. Namimiss ko lang kasi magluto. Ako kasi madalas ang nagluluto ng sarili kong baon kapag umaalis ako ng bahay." "I see. Why don't you bring your own food starting tomorrow?" "Okay lang ? I mean.. baka hindi mo magustuhan ang amoy dahil hindi naman ganun ang mga nakasanayan mong pagkain." "It's okay. Pwede mo naman akong dalhan din para masanay ako sa mga nakasanayan mo." Makahulugan at nakangiti nyang sabi. Dumali na naman sya sa mala-anghel nyang ugali na nagbibigay sa akin ng mabilis na t***k ng puso. Nag-iiba ang atmosphere ng paligid kapag nakikita ko syang nakangiti.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม