“Tangna! Ang sakit ng likod ko, paano ako makakalaban nyan kung hindi pa nag-uumpisa bugbog na ang katawan ko.” “Ang ingay mo Laochecko, mabubu-bunganga ka ba dyan hanggang makarating tayo sa Sinj.” “Wow Verchez, palibhasa kasi hindi ikaw ang nabalibag ng sampung beses kaya hindi mo alam iniinda ng katawan ko.” “Whose fault is that huh? Ako ba ang nag-yabang sa nobya ni Santileces na hindi sya makakatama kahit isang suntok, Stupid.” “Both of you stop pissing each other, will you? I want a peaceful f*cking travel.” Sita ni Nile kina Ruhk at Maki na hindi mapigilan ang asaran pag may nakikita silang dahilan para inisin ang isa’t-isa. “Hindi ba buo ang araw nyong dalawa kung hindi nyo bubwisitin ang isa’t-isa? Katabi nyo pa naman si Nile sa upuan baka may isa sa inyo na s

