Dalawang lingo ang lumipas at sa dalawang linggo na ‘yun ay maraming nagawa si Hale bago sila bumiyahe patungong pilipinas para sa pagbubukas muli ng Underground Society at sa pagsalubong sa bagong Founder ni Valdemor. Sa dalawang linggo na ‘yun matapos ang naganap na kasal nina Samara at Hale sa ospital at ng makalabas ito ay agad itinulot ni Hale ang pagte-train kay Samara sa tulong ni Nile upang maging handa ito sa pagpasok nito sa Underground. Nasa panga-ngalaga narin nila ang batang inampon ni Hale para maging anak nila na si Prvos na sa una ay naiilang at ilag sa kanilang dalawa pero dahil sa consistent si Samara na mapalapit ang loob sa bata ay unti-unti na silang tinatanggap nito. Dahil sa nangyari sa nakaraan nito ay hindi naging masayahing bata, seryoso ito at tahimik lang pe

