11 years ago "Iyang mga pulang rosas ang bibilhin ko miss. Gawin mo nang isang dosena" Masayang turan ni Grego sa mga bulaklak sa dalaga. "Napakaswerte naman po ng pagbibigyan niyo yan attorney." Nakangiting saad ng dalaga habang inaayos ang mga bulaklak. "Pagandahin mo ang pagkakaayos ha?" Masayang utos nito. "Sige po attorney." Sagot nito at makalipas ang ilang minuto ay binayaran na niya ito. Pagkarating niya sa bahay ng pinakamamahal niyang babae ay napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harap nito. Taka man ay tumuloy parin itong pumasok ng gate. Nang malapit na siya pinto ay nakarinig siya ng iyak ng babae sa loob. Bigla siyang kinabahan at akmang hahawakan na niya ang door knob ng marinig ang boses ng kapatid na si Gian. "Paano na ang mga pangarap ko Gia

