Chapter 4

3026 คำ
Carmella POV Mag iisang buwan nadin simula nang lisanin namin ang Manila para makauwi sa probinsya ng aking yumaong ama. Tumungo kami dito na tanging address lang ang bitbit ko at buti nalang at hindi naman mahirap hanapin ang baryo ng Poblacion. May mga kamag anak din pala kaming natitira na kilala ang aking ina. Minsan nadin daw pala nila ako naipasyal dito noong bata pa ako pero hindi ko gaanong maalala. Dahil sa kagustuhan din naming magkaroon ng sariling bahay upang hindi rin maging pabigat sa aming ibang kamag anak dito ay ibinigay sa amin ang isang mumunting kubo na halos ang pader ay lumang kawayan at may mga iilang pawid na nakasabit pa naman sa bubungan at ilang butas para nito na silipan ng araw. Pasalamat nalang kami at may titirhan pa kami na malapit sa bukid at sariwang hangin din ang sumasalubong sa amin. Tinulungan ako ni uncle Nardo, pinsan ng aking ama na ayusin ang mga sirang pawid at palitan ng bago at alisin din ang lumang kawayan at kinabitan ng mga sariwa at bago. Inayos pa ang ibang sira para magmukhang bago at maganda kahit kubo lang. "Siguradong okey lang kayo dito?" Tanong sa akin ni uncle Nardo. Ngumiti akong malawak saka tumango. "Opo uncle. Okey na okey po kami dito." Sagot ko saka tinapik ang balikat ko. "Siguradong masaya ngayon si Ignacio na makita kang napakaresponsable mong anak. Hanga ako sa lakas ng loob mo iha na punan ang pangangailangan ng ina at kapatid mo." "Sila din po nagturo sa akin kung paano po maging matatag harapin ang hirap ng buhay. Wala po akong aatrasan kahit gaano pa po kahirap yan basta kung para kina nanay at kiko, kakayanin ko po." Malawak kong ngiti habang pinagmamasdan sila nanay at kiko na inaayos ang mga gamit sa loob ng magiging tahanan namin. "Ipagpatuloy mo lang iyan at naway wag kang mapapagod sa sinimulan mo iha. Darating din ang kaginhawaan sa buhay ninyo basta tyaga at panalangin lang ang maging sandigan mo." Liningon kong nakangiti si uncle. Namiss ko tuloy si tatay. "Salamat po." Sagot kong nakangiti. "Ohh sya! Alis na ako. Pag may kailangan kayo puntahan niyo lang kami sa bahay ha? Huwag kayong mahihiya." Aniya ni uncle saka nagpaalam din kina nanay at kiko at umalis na. "Saan ako dito mag aaral ate?" Tanong ni kiko habang inaayos ang mga gamit. "Sa pinag aaralan daw nung anak ng kapitbahay nila uncle Nardo. Malapit lang daw dito." Nakita ko ang pagsimangot ng kapatid ko kaya agad akong lumapit at niyakap siya. "Sorry bunso ha? Wala na kasing trabaho si ate sa manila at baka lalo tayong mamulubi doon. Ayaw ko pa man din tumigil ka sa pag aaral dahil tutuparin natin yung pagiging piloto mo pag laki mo." Pang aaliw ko sakanya at hindi naman ako nabigong makita ang ngiti ng kapatid ko. "Hindi naman ako nagrereklamo ate ehh. Nalungkot lang ako dahil naiwan ko ang mga kaibigan ko doon pero alam ko naman na magkakaroon ulit ako ng bagong mga kaibigan sa paaranalan na lilipatan ko." Tuwang sagot niya "That's my boy!" Tuwang sagot saka ko niyakap at pinanggigilan. Pagkatapos kasing lumabas ang balita patungkol sa engagement ni Troy at sa balitang fiance niya ay wala na rin akong maiharap na mukha sa department store na pinagtratrabahuan ko since si Troy naman ang nagapasok sa akin doon. Nakipagbreak ako sakanya through phone at nagsubmit ng resignation letter. Kahit mahirap sa akin na mawalan ng trabaho ay hindi ko pinakita sa ina at kapatid ko. Kailangan kong maging malakas at manatiling positibo sa harap nila. Dahil sa kagustuhan ko na ring lumayo ay naiisip kong manirahan sa probinsya ng aking tatay at narito na nga kami ngayon. Mas masaya kesa sa buhay namin sa manila. Kinabukasan ay hinatid ko ang kapatid ko sa bago niyang paaralan. Nakita ko naman sakanya ang excitement kaya panatag akong magiging maayos siya dito. Kinuha ako ni uncle Nardo upang maging katulungan nila sa Karinderia nila malapit sa paaralan. Laking tulong nadin dahil libreng kumakain ang kapatid ko kapag tanghali at nauuwian ko pa si nanay minsan. Nirekomenda sa akin ni auntie Grace ang bagong bukas kamakailan na KTV Bar niya. Safe naman daw to at wala naman daw kababalaghang nangyayari. Nalaman niya kasing kumakanta ako kaya nirecruit niya akong umawit tuwing gabi. Umuo nalang ako para may mahugot ako kung sakaling mangangailangan ako ng pera. "Nay!" Tawag ko habang patakbong papalapit sa nanay ko na abalang nagtatanim ngayon ng gulay sa paligid ng tahanan namin. Ohh diba? Pinanindigan ng nanay ko ang bahay kubo sa kanta na maraming sariwang tanim na gulay sa paligid. "Andiyan ka na pala. Naku, hindi ko na napansin ang oras anak" tarantang sabi ng nanay ko. " huwag na kayong mag abala nay, isipin niyo sarili niyo at... " kinapa ko likod niya " nakuuu, sabi ko na nga ba at hinahayaan niyo nanaman ang likod niyo na matuyuan ng pawis ehh." Pag aalala ko at kinuha ang bimpo sa balikat at pinunas sa likod niya. "Minsan nalilito na ako kung sino ba talaga ang nanay sa ating dalawa." Sabay tawa niya at hinawakang ang magkabilang pisngi. "Sobrang proud ako sayo anak at pasensiya ka na at ikaw ang ..." "Nay! Bawal magdrama!" Putol ko sa sasabihin niya. Alam ko kasi sa dulo iiyak nanaman siya kaya pag alam kong doon pupunta ang sasabihin niya ay agad kong pinuputol ang sasabibin niya. "Pasok na po tayo at may dala akong pagkain na kakainin natin. Andiyan na din maya maya si kiko." Pumasok kami saka hinanda ang pagkaing binili sa nadaanan ko kong karinderia." Magpahinga ka muna diyan nay at huwag masyadong magpagod kasi kayo rin po ang mahihirapan." Pagpapaalala ko "Excercise ko na din yun anak kasi wala naman akong ginagawa dito tsaka sayang naman ang lupa sa paligid kung hindi tatamnan." Sabi niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Pero tingnan niyo parin po ang kalusugan niyo. Okey lang po ang magtanim basta huwag sobra at wala pa man din po ako palagi dito." Pag aalala ko. Ngumiti naman ang nanay ko saka ako nilapitan. "Opo nanay." Biro niya saka kami nagtawanang dalawa. Ilang minuto ay dumating narin ang kapatid ko. Nagsalo kaming kumain para sa panghapunan at agad nadin akong nagbihis upang pumasok sa KTV Bar. "Mag ingat ka doon anak ahh. Pag may mga lasing at nanggugulo ay umalis ka na agad doon."paalala ng nanay ko. Ngumiti ako. "Opo nay, huwag kang mag aalala. Dala dala ko pa po yung turong mga self defense ni tatay sa akin." Saka umaktong parang makikipaglaban pero tumawa lang kaming tatlo. "Alis na ako. Bunso! Usapan natin ha? Ikaw ang bodyguard ni nanay. Okey?" "Opo ate! Safe po si nanay, pangako!" Sabay taas ang kanyang kanang kamay. Isang mahigpit na yakap ulit ang binigay ko sakanila bago umalis. Hindi naging madali ang pagpasok ko sa Bar na iyon dahil sa samut saring klase ng pangyayaring nangyayari gabi gabi. Kahit gusto ko mang umalis ay wala akong magawa dahil gabi gabi din akong pinapahalahanan ni auntie Grace na ang pag awit ko lang daw ang makakatulong sa Bar niya. Nalalaman din nila nanay ang nagyayari pero lagi kong sinasabi na naayos din agad. "Naghahanap si Manang Luz ng kasama sa Mansion na tagaluto. Tanungin mo nga si Carmella kung gusto niya" ani ni manang Felicidad na siyang may ari talaga ng Karinderia. "Sige auntie. " sagot naman ni auntie Basha na asawa ni uncle Nardo. Lumapit siya sa akin habang nagpupunas ng mga pinggan sa lamesa. "Anak, may kaibigan ang lola Felicidad mo, si manang Luz doon sa kabilang purok at naghahanap sila ng tagaluto. Gusto kang irekomenda ni auntie doon bilang taga luto. Natikman niya kasi minsan yung luto mo at nagustuhan niya. Baka daw gusto mong tanggapin, tagaluto ka lang naman don ehh." Aniya niya. "Sige po auntie. Okey lang po sa akin." Ngiti ko habang tutok parin sa ginagawa ko. "Baka kasi isipin mo na tinatanggal ka namin dito at... " "Auntie, kung ano ano ang nasa isip niyo. Tatanggapin ko po iyan kahit ano pa." Nilingon ko siya saka malawak akong ngumiti. "Baka pansamantala ka lang doon kasi isang linggo lang daw mamalagi ang mga nag mamay ari ng mansyon at aalis din sila. Naghahanap lang sila ng magluluto at pagkatapos mo don ehh babalik ka rin dito kung sakali." Paninigurado ni auntie sa akin pero kalmado lang akong nakikinig. "Bibigyan ka naman nila ng tamang sahod gaya ng pinag usapan namin ni Luz. Babalik ka rin dito. Ipapahiram lang kita sakanila. Okey ba yun iha?" Tanong ni aling felicidad na nasa likod na pala namin. "Opo Mamita." Ngiti kong sagot. Hindi ko maitatanggi na maganda parin si Aling Felicidad kung ikukumpara sa edad niya ngayon. Tumandang dalaga siya at mapapansin ang pagiging metikulosa sa lahat ng bagay. Strikto at medyo suplada, ngunit kapag napalapit ka sakanya ay doon mo lang makikita ang kabalitaran sa unang impression mo sakanya. "Maganda kung ganun." Tiningnan niya ako saka tiningnan si auntie Basha. "May customer Basha." Aniya ni Aling Felicidad saka unang lumabas. "Opo auntie, susunod ako." sabay lingon sa akin "Goodluck sayo anak." Sabay ngiti at tapik sa akin sa balikat at lumabas siya ng kusina. Tinapos ko lahat ng gawain sa kusina bago maghapunan. Hindi na kasi ako umaabot ng gabi at naiintindihan naman nila ako basta natapos ko lahat mg trabaho ko. Minsan pinababaunan pa ako ng ulam para yun na daw ang panggabihan namin. "Diretso ka na sa address na to bukas Carmella. Sabihin mo lang na ikaw ang pinadala ko at papasukin ka na nila doon." Pahabol ni Aling Felicidad at kinuha ko ang papel na inaabot sa akin. "Salamat po Mamita." Magalang kong sagot. "Goodluck sayo. Ingat ka sa daan." Tumango ako bilang sagot ko at umalis na pauwi. Hindi alintana sa akin kung gaano karaming trabaho ang pinapasukan ko kung lahat nang ito ay para sa ina at kapatid ko. Kinabukasan ay agad kong pinuntahan ang address at ilang kanto lang pala ang madadaanan bago marating ito. "Ako po yung pinadala ni Mami.. ahm, ni Aling Felicidad." Paalam ko at agad naman akong pinapasok ni Manong Carlo base sa pagpapakilala niya rin ng pangalan sa akin. Nakilala ko si Aling Luz at ang anak niyang si Auntie Amelia at Latina na anak niyang dalaga na mas bata sa akin. Tinuro nila sa akin ang mga dapat kong gagawin at mga lulutuin, hindi daw kasi nila maharap ang pagluluto dahil sa dami ng aasikasuhin nila sa buong bahay at kulang pa silang tatlo para tapusin ang pag aayos at maharap ang pagluluto. Tutulong nalang daw sila kapag kailangan pero humingi din ako ng konsiderasyon na kung pwedeng umuwi ako ng tanghali at hapon ng mas maaga para maasikaso ko rin ang pamilya ko at agad naman nila akong pinayagan basta matapos ko lang daw ang pagluluto at sila na ang bahala maghain. Dumating ang araw nang pagdating nila at agad akong inutusan ng sobrang aga ni Aling Luz para mamalengke at sinunod ang mga nasa listahan na bibilhin. Sa una ay medyo nahirapan akong maghanap at siyempre magbuhat na din dahil sa dami ba naman ng pinamili kaya halos sumakit ang katawan kong dumating sa mansyon. Wala akong sinayang na oras at inihanda ko na agad ang mga iluluto habang kasama ko ang orasan sa lahat ng ginagawa ko. Bago mag 11:40 ay natapos ko lahat at saka nagpaalam para umuwi at babalik muli mamaya. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaupo ang nanay ko sa kwarto at waring hinahabol ang paghinga niya. Ito na nga ba sinasabi ko at sinumpong nanaman ng asthma ehh kaya kung pupwede ay dapat oras oras ko siyang nasusubaybayan. Kinuha ko agad ang nebulizer niya para makatulong at guminhawa ang pakiramdam niya. Halos maiyak akong nakaalalay sakanya habang paunti unting bumabalik ang normal na paghinga niya. Nang masiguradong ayos na siya ay agad ko siyang niyakap at pinunasan ang mga luha ko saka hinarap at inasikaso siya. Pinahiga ko muna siya saglit sa kama dahil agad siyang inantok. Pigil ang paghikbi ko at kung maaari ay ayaw kong marinig ng nanay ko pero sa ganitong sitwasyon palang na nakikita ko ay parang lalo akong napanghihinaan ng loob pero pilit kong kinakaya at pinapalakas ang loob. Naghanda ako ng pagkain para paggising niya ay kakain nalang. Pagdating ng 3pm ay agad ulit akong bumalik sa mansyon para magluto at pagnatapos magluto ay uuwi nanaman para sa pamilya at para pumasok sa trabaho. Nasabi rin sa akin ni Aling Luz na gusto daw akong makilala ni Madam pero pag pumupunta ako doon ay wala sila kaya wala ring chance para makilala ko rin sila. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ko parin sila nakikila ng personal dahil sa hindi salubong ang oras na meron ako doon at oras na meron sila sa mansyon. Ginawa ko nalang ang trabaho ko at kahit doon ko nalang maipahiwatig na lubos akong nagpapasalamat sa mga compliment nila sa luto ko. Pagdating ng gabi ay para nanaman akong sasabak sa gera. Huminga ako ng malalim at ibinuga para mawala ang takot at alanganin sa trabaho ko ngayong gabi. Kahit sa pagnanais ko minsan na umabsent ay yun pa yung perang makukuha ko. Last na talaga tong gabing ito at sasabihin ko na kay auntie Grace na aalis na ako at baka hindi na ako makarating dito sa bahay na buhay. Nagkagulo nanaman kasi sa Bar kagabi at halos magpatayan ang mga nag aaway at muntik na akong nadamay. Mabuti nalang at agad akong nakailag sa bote na itinapon nila at dumating ang tanod para awatin sila. Humarap ako sa salamin at pinakatitigan ang imahe ko na walang kaayos ayos sa mukha. Simpleng braided hair at pulbo sa mukha at elipse na cologne na favorite ko. Nakawhiteblouse at simpleng maong at rubber shoes ang ayos ko saka tumalikod at kinuha ang sling bag saka nilagay sa balikat ko. "Aalis na ako. Bunso?" Tawag ko. "Yes ate! Alam ko na po gagawin ko." Sabi niya "Good. Nay, alis na po ako." Paalam ko saka niyakap ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko. "Bye!" Kaway ko saka lumabas ng bahay. Pagdating ko sa Bar ay marami nang taong nakapwesto sa mga tables at nagsisimula nang mag inuman. Amoy nang sigarilyo at alak ang umiikot sa Bar pero nahahaluan parin ng amoy ng iba't ibang pulutan nila. Last na talaga tong gabing ito. Inayos kong muli ang sarili ko sa salamin saka umakyat sa stage. "Ayan na siya!" Sigaw ng isang lalake na hindi ko inabalang lingunin. Basta tuloy tuloy lang ako sa paglakad at umupo sa stool na nasa harap at hinawakan ang mic. "Hello everyone, I'm here again your songerista singing some of your requested favorite songs from that box. And hope you're gonna enjoy it." Nagsimula akong umawit at nagpasalamat naman ako at payapa ang buong gabing ito hanggang matapos akong umawit. Bilang palang siguro sa daliri ko ang gabi na ganito kapayapa ang mga tao dito sa Bar. Siguro ay dahil absent nadin ang mga laging nanggugulo dito gabi gabi. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Carmella? Wala na kasi akong makitang kapalit mo. Pwedeng konting panahon pa? Wala naman na sila Lando dito at mga kasamahan niya para manggulo kaya payapa na ang gabi gabing pag aawit mo." Pakiusap ni Auntie Grace. Eto na naman tayo ehh. Lalambot na naman ako sa mga ganitong pakiusap nila imbes na desidido na ako. "Sige po,mananatili po ako dito pero sa isang kondisyon. " siyempre dapat hihingi ako ng kondisyon. "A-anong kondisyon iha?" Kabang tanong niya. "Gusto ko pong may kasama o salitan sa pag awit para hindi po ako nahihirapan na ako lahat ang umaawit." Pag aamin ko. Mahirap din kaya at nakakatuyo ng lalamunan. Napangiti naman ako nang alanganing tumango si auntie. Alam ko kasi na kulang siya sa budget para kumuha pa ng isang singer pero ang talagang plano ko talaga ay kapag meron nang bago ay may rason na ako para umalis. "Salamat po at makakapagpahinga din po ang boses ko. Mauna na po ako." Paalam ko saka tumalikod at umalis. Nasa daan na ako ngunit ramdam kong parang may sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang paglakad ko pero pakiramdam ko nasa likod ko parin siya at sumusunod. Nang liliko na ako sa kanto ay may biglang humablot sa braso ko at agad kong tinanggal ang sling bag ko para ipalo sakanya pero bago pa mapunta sa taong humawak sa akin ang bag ko ay napunta ito sa isang malapad na likod ng isang lalake. Napatingin naman ako sa dalawang pang lalake na ngayon ay nakahiga sa lupa sa harapan ko na mukhang nakatulog. Anong ginawa niya? "Are you okey miss?" Pag aalalang tanong ng lalake na halos hindi ko mamukhaan dahil medyo madilim ang lugar na kung saan kami. Napaatras ako at baka kasamahan niya pala ang mga ito at niloloko lang ako. "Huwag kang lalapit!" Banta ko habang hinaharang ko ang bag ko sakanya. "Do you think I am one of them? Sa gwapo kong ito magkoconclude kang kasamahan ko ang mga hayop na balak kang gawan ng masama?" I can sense his disagreement tone from what I have said. Malay ko ba ehh hindi ko naman siya kilala. Kumalma ako at inayos ang tayo ko saka humarap ng maayos sakanya. "Pasensiya na po at hindi ko po kasi kayo kilala." Pagsasabi ko ng totoo. "Salamat at tinulungan niyo po ako pero kailangan ko na rin pong umuwi at gabi na po masyado." Paalam ko at tatalikod na sana ako pero napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko. "Your Carmella right?" Tanong niya sa pangalan ko at kumunot naman ang noo kong lumingon sakanya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Taka kong tanong. Bigla akong kinabahan. "Sino bang hindi makakakilala sa isang magaling na singer na kagaya mo. By the way, I'm Bry." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Tinanggal niya ang malaki niyang kamay sa braso ko at nilahad ang kamay sa harap at agad ko namang tinanggap. "Carmella." Pagpapakilala ko. "I'm glad meeting someone like you Miss Carmella."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม