Carmella POV "Warm me in bed." Napaawang ako. Tama ba ang narinig ko? Ilang minuto at segundo ko yun inisip at prinoseso sa isip ko. Hanggang sa nagsalubong ang mga kilay ko at tiningnan siya ng masama. "Sira ulo ka ba?" Singhal ko sa kondisyon niya. Ngumisi ito ng marinig ang sagot ko sa sinabi niya. Ginilid ang platong ginamit sa pagkain. Umismid itong manghang tumingin sa akin. Tumaas ang isang gilid ng labi niya. Pinagsiklop ang dalawang kamay ay pinatong dito ang baba. Ang mata ay nasa akin. Para bang nasisiyahan sa reaction ko. Bigla akong napaiwas sa paraan ng titig niya. Tumikhim ako at don ko ulit inangat ang mata ko sakanya. "Hindi ako pumapayag sa kondisyon mo. Iba nalang ang hilingin mo." Matapang kong tugon dito. "Wala na akong ibang kondisyon maliban sa hiniling ko. Al

