Third person POV "Paano tayo papasok diyan?" tanong ng isang lalake habang nagtatago sa isang malaking puno habang tinitingnan ang malaking pader na siyang gate ng farm. "Ano pa nga ba edi aakyat, tanga!" Inis nito sa kasama. "Eh may mga bubog na bote sa taas."reklamo nito. "Tiisin mo. Tutal malaking pera ang matatanggap natin kapag natapos natin ang trabahong ito." sagot ng kasama. Napalunok ang isang lalake habang tinitingnan ang mga boteng natatamaan ng ilaw at kumikislap kislap pa ang matutulis na bahagi nito. "Sigurado ka bang makakalabas pa tayo ng buhay dito Romar? Pagmamay-ari ng lalakeng nagpakulong sa atin yan noon." Kabang saad ng lalake ng maalala ang taong bumugbog sakanila dahil sa pangbabastos nila sa isang babae noon. Napatingin ang lalake sakanya. "Isipin mo nalang

