"Ano ang pakiramdam kapag na love at first sight ka?" Tanong ni Latina na hindi maalis alis ang tingin sa bagong dating. "Gusto mong mapalo?" banta ni Manang Amelita na kinanguso ni Latina. "Nay naman eh. Nagtatanong lang naman." reklamo niya na kinatawa ko. "Kabata bata mo pa love at first sight love at first sight ka diyan. Hala at pumasok sa loob." utos ni Manang sakanya. "Tinutulungan ko po si Mang Carlito dito na nagdidilig." at pinakita ang host na hawak niya kanina. "Pagkatapos mo diyan tumulong ka sa kusina ha?" aniya ni manang saka tinalikuran kami. "Opo nay!" pahabol ni Latina. Aalis narin sana ako nang hawakan ni Latina ang braso ko. "Ate." tawag niya na kinalingon ko sakanya. Tumigil ako at hinarap siya. "Hindi ko alam isasagot ko sa tanong mo." sagot ko dahil al

