Ngiting-ngiti si Primo habang naglalakad siya papasok sa bakuran ng bahay nila na gawa naman sa kahoy at bato. “Hay! Sa wakas ay nakauwi din,” ani Primo habang patingin-tingin sa paligid hanggang sa makarating siya sa mismong bahay nila. Hindi naman kalakihan ang bahay nila na may dalawang palapag at pwedeng tirhan ng tatlo hanggang lima na katao. Ang itsura nito ay ang karaniwang nakikitang tirahan sa isang probinsya, ‘yung tipong hindi pa natatapos gawin dahil ang mga pader ay hindi pa pinturado kaya kita pa ang mga hallow blocks na ginamit at ang ikalawang palapag ay gawa sa kahoy na matibay naman. Gawa naman sa yero ang bubungan ng kanilang bahay. Malayang nakapasok si Primo sa bahay ng hindi kumakatok dahil bukas ang pintuan. Huminto siya sa paglalakad at nilibot ng tingin ang loob

