Naligo si Claude sa banyo pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo ni Sam sa condo nito. Pagkabihis niya ay nakita niya ang nobyang nakasandal sa headboard ng kama nito at tanging kumot lang na lavender ang nakatabon sa kahubdan nito. Hindi roon nahila ang pansin niya kundi sa kamay nitong hawak ang kanyang cell phone. Mabilis ang mga hakbang niyang nilapitan ito at bumundol ang kaba sa puso niya. “Bakit hawak mo ang cell phone ko?” ang sita niya at inagaw iyon mula sa babae. Baka na-delete nito ang mga pictures ni Darcelle kung nakita nito iyon. “Paano mo nalaman ang pattern ng lock niyan?” “Why do you have her pictures?” ang tanong ng babae sa halip na sagutin siya habang tsinek niya agad ang photo gallery. Laking pasalamat niyang nandoon lang ang mga ito at pansin niyang ang naka-two-

