Kanina pa nakatanaw si Hector sa tubig sa pool pero wala doon ang isip niya. Hindi niya mabigyan ng solusyon ang problema nila ngayon ni Georgia. Nai-file na ang kasal nito kay Justine at wala na siyang magagawa doon. At mayroon na lang siyang anim na araw na natitira bago kuhanin ng anak niya ang babaeng gusto niyang makasama sa habangbuhay. Sa ngayon ay abala pa rin si Georgia sa trabahong ibinigay niya. Nasa opisina niya ito at ayaw paawat dahil nag-e-enjoy ito sa bagong trabaho. Alas otso na ng gabi. Tapos na silang maghapunan. At matapos makausap si Art ngayon ay may nabubuong plano sa isip niya na gusto muna niyang pag-isipan ng isandaang beses. He desires her. He's obsessed with her. At ang obsesyon na iyon ang nagbibigay sa kanya ng ideya na samantalahin ang pagkakataong

