"What do you mean? Paano nangyaring ang totoong ama mo ay si Tito Edberto?" tanong ni Matteo kay Sahara. Sa maikling salaysay ay inilahad ulit ng Mommy niya kung paano nito nakilala si Edberto Sandoval. "Kaya pala magaan ang loob ko sa taong 'yon. But wait... Bakit Santos ang una niyang pakilala sa 'kin?" "Remember that I used another agency's name to present to your father? Hindi ko gustong magkaroon ng koneksyon si Froilan sa akin na maghihinala ang Daddy mo na sadya ko s'yang ipadala sa 'yo." "Where is he now? Sa tingin mo ba magagalit siya kung... kung ipapaalam namin sa Itay niya ang totoo? Na nagkaanak siya kay Mommy?" Mabilis namang tinawagan ni Matteo si Froilan. Kasalukuyan daw itong nasa Quezon dahil sasakay na ito sa barko sa susunod na linggo. "Sahara and I are getting ma

