Apat na oras ang biyahe nila Sahara at Froilan patungong Quezon kung saan naroon ang bahay bakasyunan pamilya ng huli. Lihim sa lahat ang pagpunta niya dito. Ang alam ng Daddy at Mommy niya ay dadalaw siya sa kaibigang si Maxine. Her Dad insisted on providing her a bodyguard but she told her father that she's with her friends. At hindi niya gustong maging tila isang bata sa harap ng mga kaibigan. Malawak rin kahit paano ang lupain nila Froilan sa probinsya. May ilang baka at kalabaw sa bukid, at may gulayan sa likod bahay. Simple lang ang pamumuhay ng mga ito. Pagdating niya ay nasa ilalim ng puno ng niyog ang tatay ni Froilan na si Edberto. "Magandang hapon ho," bati niya sa matanda nang ipakilala siya ni Froilan dito na isa siyang kaibigan. The old man was must be in his late

