LIA'S POV Pagkaalis namin sa studio ay tumuloy kami sa isang bigating restaurant para mag breakfast. "Iba yung tilian ng mga babae kanina sa audience! Sobra ka Exequiel, napakadami mo talagang fans," Sambit ni Ace. "Pero ‘yung mga ibang boys sa audience, pinag bubulungan din si Lia kanina. Ang sabi nga nung isang lalaki ang swerte daw ni Exequiel at napakaganda at napaka sexy nang mapapangasawa niya. Oh, diba girl! Ikaw na talaga. Medyo humahakot kana din nang fans mo." Kwento ni Maureen. Siguradong mas lalo akong sisikat nito. Nakakatuwa ang maging instant celebrity. “Nadinig ko din yun," sambit ni Leslie. "Oh, sige mamaya nayang chikahan n‘yo. Umorder na muna tayo ng makakain," sambit ni Exequiel. Ang KJ lang. Ang saya sayang mag kwentuhan ng mga nangyari kanina eh, tapos basag trip

