EXEQUIEL'S POV Dahil nandito narin naman kami sa st. luke ay habang natutulog si Lia ay inilipat narin namin sya sa kwarto ng kanyang Mama Bhecca. "Mommy, maiwan ko na muna po kayo! Bibili lang po ako nang mga prutas para kay Lia. Dapat healthy ang baby ko. At ibibili ko narin siya nang Fishball," sambit ko sa kanila. Papalabas na ako nang kwarto nang biglang mag react ang Mommy ni Lia. "Teka ijo, bakit mo ibibili nang fishball ang anak ko?" tanong niya. "Kasi po mukhang sa fishball po siya nag lilihi. Kaninang umaga po ay nag request po siya saakin na ibili ko po daw siya nang sampong balot na fishball…" kwento ko sa kanila. "Hala! sa fishball nag lilihi si Ate Lia?! Baka naman maging bilog ang ulo nang magiging pamangkin ko hahaha!" nakatawang sabi ni Jamaica. Ang weir nga din na sa

