LIA'S POV Pag katapos nang klase ay agad kaming umalis para i-meet si mystery boy. "So, girls ready na ba kayo?" pagtatanong ko sa kanila. "Bakit kami ang tinatanong mo? Parang dapat kami nga ang mag tanong niyan sayo." "kung ako tatanungin nyo ko...hay excited na ako noh! Alam nyo naman na gustong gusto ko na talagang malaman kung sino ba talaga siya at gusto ko din itanong sa kanya kung bakit niya yun ginagawa at bakit niya ako tinutulungan?" "kung ako naman ang tatanungin, excited narin ako. kasi gusto kong malaman kung gwapo ba siya or alam nyo na hehehe!" pagpapatawa ni Maureen. EXEQUIEL'S POV Sa wakas! Nandito narin ako sa tapat nang bahay nila. Bakit kaya dito niya ako pinapunta? Bumalik na kaya siya dito sa bahay nila? Naku sana naman di siya minamaltrato diyan nang magaling

