Habang nasa loob ng isang itim na malaking van kasama ang dalawa pang ka-trabaho na abala sa pagkalikot sa mga aparato na nakapalibot sa loob ng sasakyan, walang kakyeme kyemeng inihubad ni Yani ang damit at isinuot ang puting t-shirt at maluwang na kupasin at may punit punit sa tuhod na pantalon. Itinali niya ang mahabang buhok at ipinasok sa loob ng suot suot na sombrero upang kahit papaano ay hindi agad mamumukhaan ng kung sino mang makakasalubong na kakilala. Nang maisukbit niya ang maliit na tuwalyang pangpunas ng pawis sa kanyang leeg ay sinalat ulit ang mumunting headphones na nakakabit sa isang tenga. Ito ang magiging gamit niya sa pakikipag-communicate sa mga kasamahan na nasa loob ng van na nakaantabay lang at nakatingin sa mga monitor kung saan mula roon ay panonoorin siya ng

