Binondo, Manila. Pigil ang paghinga ni Deyanira habang inaayos ng isang may katandaang singkit na babae ang makulay na kimono na kasusuot pa lamang niya ilang minuto pa lamang ang nakakalipas. Inibabaw iyon sa manipis na undergarment na nauna na niyang isinuot pagkatapos siyang lagyan ng makapal na puting make-up na halos hindi na siya makilala. “Okay na ba iyan para sa iyo?” tanong nito sa dalaga habang inaayos ang belt ng kimono na ang tawag ay ‘obi’ sa bansang Japan. Ang matandang ito ang inatasan ng lider ng kapulisan para tulungang ayusan si Yani para sa gagawing pag-a-undercover nito bilang isang Geisha, ang tawag sa mga Japanese entertainer. “Okay na po ‘yan, hindi na po masyadong masikip,” ani Yani habang tinitingnan ang sarili sa malaking salaming nakatayo lang sa gilid ng

