“Clear!” saad ng isang doktor ng makitang dumistansya na mga kasamahan sa pasyenteng kasalukuyang ginagamot sa Emergency Room. Isang nurse naman ang pumindot ng isang buton sa makina ng defibrillator upang mai-charge ito at nang handa na ito ay inilapat na iyon ng doktor sa dibdib ng inire-revive na pasyente. Dahil sa mataas na boltahe ng kuryente ay tila napatalon ng ilang inches mula sa hinihigaan nitong hospital bed ang katawan ni Mr. X. Apparently, pagkarating nito sa ospital kanina ay tsaka huminto ang pagtibok ng puso ng matanda. Samantala, sa kabilang kuwarto lang din ay mabilis na tinurukan ng karampatang gamot si Deyanira para umampat ang pagdurugo nito. Agad na ipinasok ito sa isang kuwarto kung saan ginagawa ang ultrasound para matingnan ang kalagayan ng ipinagbubuntis ng ba

