“Hello! Lord?” Isang tauhan ang tumawag sa telepono ni Copper noong hapon ng Sabado habang nagbibihis ito sa loob ng malaki nitong walk-in closet. “Yes?” sagot niya na katatapos lang magsuot ng pantalon at ngayon ay inaayos na ang pagkakasuot ng kulay itim na plane t-shirt. “May balita na po sa lalaking ipinapahanap ninyo noong nakaraan,” sagot ng tauhan sa kabilang linya. “Ang totoo ho ay kasama na namin siya ngayon, papunta na kami sa headquarters natin,” dugtong pa nito. Pasimpleng pinukulan niya ng tingin ang kasalukuyang kasa-kasama sa loob ng walk-in closet na noon ay nag-aayos rin ng sarili. Si Yani. Pinakiramdaman ni Copper kung napakinggan ba ng dalaga ang sinabi ng tauhan mula sa kabilang linya. Nang wala naman itong kaimik imik habang namimili ng isusuot ay pasimpleng l

