Nagising kinabukasan si Copper sa narinig na mumunting kaluskos sa paligid. Pagkamulat ng mga mata nito ay nakita nitong nakabihis na ng uniporme si Yani at handa nang umalis. “Ang aga naman ng pasok mo,” saad iyon ng lalaki pagkatapos lingunin ang orasan na nakapatong sa night stand nito. Alas singko y medya pa lang ng madaling araw. “I’m sorry baby, nagising ba kita?” napalingon si Yani sa lalaki noong inaayos na lang nito ang sintas ng suot nitong boots. “At wala ka talagang balak na magpaalam sa akin bago ka umalis?” may paghihimutok nitong turan. “Gusto ko lang na makapagpahinga ka ng maayos. How are you?” nilapitan niya ang naghihinanakit na lalaki at binigyan ng halik sa mga labi. “I’m not okay,” matamlay nitong sagot. “What do you mean you are not okay?” may pag-aalala niy

