Takbo. Takbo. Takbo.
Hindi alam ni Blaire kung nasaan siya.
Madilim, mausok, maingay at puro sigaw ng kung anong mga taong hindi niya alam kung nasaan.
'Nasaan ba ako' tanong niya sa sarili.
Isang liwanag ang biglang lumitaw at doon niya napagtanto na nasa gitna siya ng madilim ng gubat.
Maliwanag na buwan ang biglang lumitaw sa madilim na langit kung kaya't lumiwanag ang buong paligid.
"Takbo Blaire, andiyan na siya," dinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses.
"Sino ka?" Tanong niya.
"Tumakbo ka na," sigaw parin ng taong 'yun.
Sa isang damuhan ay nakita niya si Snow white. Pawisan na patakbo patungo sa kanya.
Hinablot siya nito at agad na hinatak.
"B-buhay ka?" Tanong agad ni Blaire.
"Nasa panaginip ka ngayon. Padating na si Talbot para patayin ka kaya magpakalayo ka na," saad ni Snow white.
"Bakit mo ginagawa 'to? Hindi ba't masama ako sa'yo, kaya bakit mo ako tinutulungan?" Tanong niya.
Biglang huminto si Snow white at tulalang nakatingin sa likod ng malaking puno. Hindi siya nasagot si Blaire dahil nakita na niya ang palaki na palaki na si Talbot.
Naging malaking puno ang anyo niya at agad na hinablot si Blaire.
Malakas na hiyaw ang pinakawalan ni Blaire. Naramdaman niya na parang may kung anong humihiwalay sa katawan niya. Lumabo ang paningin niya ng makita niyang humihiwalay na ang kaluluwa niya sa katawan niya.
"Patawarin mo ako Blaire." 'Yun nalang ang huli niyang narinig kay Snow white.
**--**
Kulay abo at tirik ang mata ng makita nila Letizia ang wala ng buhay na si Blaire. Naluha silang lahat habang hawak-hawak ang mga gamit na dadalin nila sa bayan ng mazdean.
"Hindi na siya nagpasama. Nilihim niya saatin na mamatay na pala siya," saad ni Sydney habang yakap-yakap si Blaire.
"Magmadali na tayo. Hindi natin alam kung sino na saatin ang susunod. Natatakot na ako," wika ni Maria shawn.
Malungkot silang lahat habang lumalabas sa kwarto ni Blaire. Binilin nalang nila sa kasambahay ni Blaire ang lahat-lahat ng kailangan sa burol nito.
"Teka, maiihi ako," paalam ni Janisa.
"Bilisan mo, padating na ang sasakyan nila Marianne," saad ni Letizia.
"Oo, mabilis lang ito," sagot ni Janisa at agad na siyang tumakbo sa banyo nila Blaire.
Madilim ng pumasok siya sa banyo. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil nagmamadali na siya. Patapos na siya ng madinig niyang may yapak ng isang tao na papalapit. Kinilabutan siya ng maalala niya ang mukha ni Blaire. Agad siyang lumabas sa banyo pero pagbukas niya ng pinto ay kagimbal-gimbal na bulto ni Blaire ang nakita niya.
Nanigas siya sa pagkakatayo at kinalabutan sa nakita niya. Unti-unti itong tumuro sa kanya habang seryoso ang nakakatakot na mukha.
"Ikaw na ang susunod..." Saad niya. Hindi na niya kaya pang makipagtitigan kay Blaire kaya agad na siyang nagtatakbo habang sumisigaw.
Agad siyang yumakap kay Letizia ng makarating siya sa kinaroroonan nila.
"Si Blaire nagpakita saakin!" Hiyaw niya.
Nanlaki ang mata ni Maria shawn "Huwag mong sabihin na ikaw na ang susunod?" Tanong niya.
Nanginginig sa takot si Janisa ng sumagot siya. "A-ako na nga," saad niya.
Niyakap siya ng mahigpit ni Syndey. "Huwag kang mag alala. Makakaligtas ka, huwag mo lang papatulan ang mansanan na makikita mo," saan ni Sydney.
"Tama siya," wika naman ni Letizia.
Mayamaya pa ay dumating na ang sasakyan na dala ni Marianne.
Isa-isa na silang lumabas sa bahay ni blaire at saka sumakay sa loob ng sasakyan.
Kahit nasa sasakyan na sila ay takot na takot parin si Janisa kaya niyakap nalang siya ni Letizia ng mahigpit.
**--**
"Patay na daw si Blaire," wika ni Fia ng magkasalubong sila ni Carter sa may balon.
"Bakit? Hindi ba niya napigilan na hawakan o kainin ang mansanas?"
Umiling si Fia. "Huli na pala ng ibalita ko sa kanila. Bago ko palang sabihin sa kanila ang balitang 'yun ay baka daw nahawakan o nakakain na si Blaire nun."
"Kawawa naman."
"Ipagdasal nalang natin ang kaluluwa niya."
Sinenyasan sila ni Misty sa may kwarto kaya agad silang sumunod doon.
Pag pasok nila Fia doon ay agad nilang nakita si Godric.
"May bagong silang plano. Hindi sila natuloy kagabi dahil mas masahol ang paghahasik ng lagim na gagawin nila. Hangga't maaga ay sabihan n'yo ang mga tao sa bayan na'to, na sa simbahan muna magpalipas ng gabi. Magsasabog sila ng malubhang sakit sa mga tao dito sa mazdean mamayang gabi. Ang sakit nato ay walang lunas kaya agad na mamatay ang taong makakain ng mansanas na ipapamahagi nila mamayang gabi," mahabang sabi ni Godric.
Napakunot noo nalang si Fia. "Mga dimonyo talaga walang magawa sa buhay."
"Maraming salamat talaga at pinadala ka saamin ng panginoon. Hayaan mo at ibabalita ko agad ito sa mga tao. Ililigtas natin silang lahat," wika ni Misty.
Agad nilang ipinagkalat sa mga tao ang balitang 'yun. May iilan na maaga palang ay nagtungo at naglagi na agad sa loob ng simbahan. May dala-dala silang mga unan at banig.
Inutusan ni Misty ang mga tao na itabi muna ang mga upuan sa gilid dahil tiyak na maraming tao ang matutulog mamayang gabi sa loob ng simbahan.
"Sa tingin ko, kailangan natin ng tatlong pinuno na taga dito na mangangasiwa sa mga tao," suhesyon ni Carter.
"Ako na ang isa," sagot ni Misty.
"Dalawang lalaki pa ang kailangan," saad naman ni Fia.
Si Misty ang kumuha ng mga kapwa niya kababayan. Dalawang lalaki na may malaking katawan ang pinili niya.
"Si Edgar at Sonny ang napili ko. Sa katawan palang nila ay alam kong magagampanan nila ang pagiging mga pinuno dito," saad ni Misty.
Nakipag kamay ang dalawang lalaki kina Fia at Carter. Wala na silang sinayang na oras. Pinaghandaan na nila ang lahat.
Pinag usapan na nila ang mga dapat gawin mamaya pagdating ng mga tao. Kay Misty at Edgar naka assign ang mga taong aasikasuhin sa pag aayos ng higaan ng mga tao. Kay Sonny, Fia at Carter naman ang paghahanda ng mga kamoteng ipapakain sa mga tao.
Kahit maaga palang ay marami ng dumadating sa simbahan. Takot na madapuan sa sinasabing malubhang sakit.
Abala ang lahat at naging masaya ang mga tao dahil simula ng gawin ito nila Misty, Fia at Carter ay naging malalapit na ulit ang mga tao doon. Walang ilangan at awayan. Nagtutulungan para matalo ang salot sa bayan nila. Lahat humingi ng himala sa panginoon.
Pagsapit ng hapon ay biglang umingay sa loob ng simbahan dahil sa isang sasakyan na dumating. Agad na lumabas sina Fia para tignan kung sino ang dumating.
Nanlaki ang mata ni Fia na makita niya ang kanyang mga kaibigan.
Naluha agad si Letizia ng makita niya ang nangayayat niyang kaibigan na si Fia.
Agad silang nagyakapan ng tumakbo palapit si Fia sa kanya.
"Bakit kayo nagpunta dito? Delikado!" Saad agad ni Fia.
"Mas delikado doon. Iniisa-isa na kami. Tulad nito, sinundo na ni Blaire si Janisa. Siya na ang susunod."
Agad na bumaklas ng yakap si Fia. Nabigla siya ng malamang 'yun. Agad siyang kinabahan. Kaibigan niya si Janisa kaya natatakot na siya sa susunod na mangyari. Siya ang nagdala sa kapamahakan ng mga kaibigan niya kaya sarili niya ang dapat na sisihin sa nangyayari ngayon.
Agad niyang nilapitan si Janisa at niyakap ng mahigpit. "Ililigtas kita. Walang papatay sa'yo," seryosong wika ni Fia habang nagpupunas ng luha.
"Maganda na rin ang nasa tabi ko kayo. Maganda ang naisip n'yo na tumungo dito. Ligtas sa simbahan kaya hindi sila makakapasok dito," saad ni Fia."
Sa huli ay napalagay din ang loob ni Fia. Gagawin niya ang lahat maligtas lang ang mga buhay ng kaibigan niya.