Chapter 24-Pangungulila
Mike's Pov
“Nahihilo ako saiyo. Anong problema mo? Kanina ka pa ganyan!" Tumingin lang ako. Hindi ko masabi kay Dave, para daw akong sirang naglalakad sa harapan nila. Nataranta ako sa nalaman ko. ‘Yong taong matagal ko ng hinahanap,
nagkita rin kami. Tangina, gustong-gusto ko siyang lapitan. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Na estatwa lang ako sa nakita ko. Hindi ako makagalaw at hindi ako makaisip kung hindi pa ako kausapin ng cute na cute na baby girl. Ang ganda ng ngiti niya, parang si Cherry lang. Ang cute ng dimple niya.
'Oo nga, pinsan, ano problema mo? Hindi ka mapakali, nahihilo kami sa palakad-lakad mo. Umupo ka nga?” Napatingin sila sa akin; Wala akong nagawa; Umupo ako sa tabi ni Dave. Malakas ang pakiramdam ko na anak ko sila. Gusto kong kausapin si Cherry. Gusto ko siyang tanungin. Bakit siya umalis bigla? Ang gulo lang ng utak ko.
"Where have you been?" tanong sa akin ni Dave habang nakaharap sa kanila.
"Galing ako sa mall; May bibilhin sana ako. Napadaan lang ako nung nakita ko siya." Kumunot ang noo ni Mariz sa akin.
"Sino?" Naputol ang usapan namin ng tumawag si John. Umalis ako saglit at kinausap si John.
"Hello!" sabi ko sa ka'nya.
"kamusta ka na? Hoy!" sigaw niya. Magbibingi-bingihan na yata ako sa pag tabi ko sa phone.
“Hoy! Sabi ko, Kumusta?" Narinig kong inulit ng loko.
"Tangina, punta ka nga dito. Dalhin mo ang damit ko."
"Gago! Don't tell me may balak kang tumira diyan. Bakit ayaw mo kaming makasama?” Nagdrama Ang gago.
"May importante lang akong aasikasuhin," sabi ko sa ka'nya.
"Bumili ka na lang diyan. Pupunta pa ako." Sabay tawa niya. Siyempre, hindi nawawalan ng katwiran ang tanga. Naisahan din ako ng loko.
"I need your help?" Hindi ko napigilang humingi ng tulong sa kan'ya.
"Sa akin! Humingi ka ng tulong. Anong nangyari, Mike? Huwag mong sabihing may ginawa kang kalokohan kaagad. Isang araw pa lang, Mike; ipaalala ko sa'yo." Malakas talaga ang imahinasyon. Nakakabaliw.
"Gago, seryoso ako." Napataas ang boses ko sa sinabi ko sa ka'nya.
"Grabe ka naman. Nakabuntis ka ba? Nagkita ba kayo? Naku Mike, wag mo akong sisihin. Mabait itong bata!" Siya lang ang mabilis manghula.
"Sinabi mo mukhang totoo, pero hindi pa ako sigurado." mahinang sabi ko sa ka'nya.
“Gago ka Mike. Grabe ka, nagbibiro lang ako." Malakas ang tawa niya. Akala ko seryoso siya, pero tinawanan niya lang ako.
"Seryoso ako, puntahan mo ako, pero huwag mo munang ipaalam sa kanila."
"Teka, sino ba yang sinasabi mo? Wala ka naman ibang girlfriend, o baka ikaw ang may sikreto sa’min."
"Nagkita kami kanina sa mall, and I talked to the two kids."
"Lakas mong mangtripan Mike; ang lupet mo Mike; dalawa ka agad."
"They are twins, but I have a strong feeling it's my kid; they look alike to me, lalo na ‘yong boy na kamukha ko. ‘Yong girl kamukha ng Mommy niya."
"Gago, praning ka lang."
"Gago, hahanapin ko sila ngayong nakita ko na siya." Tinawanan niya lang ako. Hindi talaga siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Kung ako lang ang nasa harap niya, nasapak ko Gago ito.
“Teka, sino ang sinasabi mo?”
“Cherry,” sabi ko sa ka'nya. Natahimik si John, sabi ko. Nangyari sa kan'ya.
"Nandiyan ka pa ba?" sabi ko ulit. Mukha niya na wala siyang balak magsalita. Ang tanga ay napipi.
"Ginugulat mo ako. Totoo ba 'yan, o niloloko mo lang ako? Matagal mo nang hinahanap si Cherry, tapos nandiyan lang siya para makita."
"Totoo naman bigla siyang nagmamadaling umalis. Nagulat siya ng makita niya ako."
"Teka!! Naguguluhan ako sa sinabi mo. Gago, Mike, ‘wag mong sabihin si Cherry ang sinasabi mo. Paano nangyari ‘yon? Hindi na kayo nagkita muli noong umalis tayo sa ang mahiwagang gubat, o nagkita kayo ng palihim? Tapos, ngayong iniiwasan ka dahil may anak ka. Tangina, lupet mo, Mike. Akalain mo si Cherry lang pala tadhana mo, tapos kambal pa anak niyo." Tangina, ang haba ng sinabi niya. Natatawa na lang ako
"Hindi na kami nagkita simula noon, pero limang taon gulang sila ngayon. Madaldal nga eh. Basta bukas, andito ka." Tinawanan niya lang ako.
"Lupet mo, may kambal ka na." Loko paulit-ulit.
"Baliw ka, lowbat na ako," sabi ko siya.
"Excited na akong makita ka bukas. Sana makita mo siya."
"Magkikita pa tayo" sabi ko sa ka'nya.
"Wag muna pakawalan, , sige at magsaya ka." Tumawa ulit siya.
"Maaga ka bukas." Paalala ko sa ka'nya. .
"Oo," Ang saya-saya ko ngayon pero bakit si Cherry ang ang lihim sa mga bata. Lakas talaga aking pakiramdam anak ko sila.
Kamukha ko si Prince. Hindi lang ako napapansin, kahit isang sales lady sa mall napansin na kamukha ko si Prince. At bakit nagmamadali si Cherry umalis?
Ibig sabihin, may tinatago nga siya. Lagi naman siya gano'n—umiiwas lagi. Kaya nga madalas kami nag-aaway noon dahil sa katigasan ng ulo niya. Hindi kaya ako talaga ang ama? Lakas talaga ng pakiramdam ko.
Pag nakita ko talaga siya, hindi ko na sila papakawalan. Matagal ko na siyang gustong makita. Ang sakit ng ulo ko kakaisip, tangina, matagal na panahon ngayon makikita ko siya. May kambal pa kami.
Napapikit ako habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi talaga maalis-alis sa isip ko ang nangyari sa mall. Tangina, parang gusto ko na silang makita agad pero ang tanong, saan ko sila hahanapin? Panigurado hindi papalabasin ni Cherry ang mga bata.
Kilala ko si Cherry pero hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nahahanap ngayong abot kamay ko na siya. Hinding-hindi ko sila pababayaan. Gagawin ko ang lahat para makuha sila. Gagawin ko ang lahat para mapaibig si Cherry. Nagtataka ako kung bakit siya umalis ng walang paalam, hindi man lang niya akalain na nag-aalala ako sa kan’ya. Umalis lang siya dahil hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa ka'nya noon, kahit hindi kami magkasundo madalas kaming mag-away, pero mahal na mahal ko siya noon. Sana naisip niya lahat ng pinagdaanan namin. Kung alam ko lang, hindi ko siya iniwan, hindi ko siya pinakawalan hangga't hindi ako nakatulog kakaisip sa amin simula ng magkakilala kami.