Chapter 30- Badtrip Mike's Pov "Oh! Bro, akala ko ba doon ka matutulog?" Tumingin lang ako kay John; Wala ako sa mood makipag-usap. Tawa pa ng tawa ang tanga. Nakakabuwisit na talaga ako. Syempre, may asungot. "I was kicked out," sabi ko sa ka'nya. "Mukhang mainitin ang ulo mo." "Pinalayas nila ako. Paanong hindi ako maiinis? Pinatulog agad ang mga bata. May kasama siyang ibang lalaki kanina, na malapit sa kambal ko." Tinawanan lang niya ako. "May karibal ka! Anong gagawin mo? Base sa sinabi mo, wala kang laban sa kan'ya. Hindi lang niya nakuha si Cherry, nakuha pa niya ang puso ng kambal mo." Bigla akong napaisip sa sinabi ni John. Natamaan ako sa sinabi niya. Wala akong maikukumpara sa mga panahong magkasama sila. "Hindi ako papayag, ako lang at ang mommy nila." "Gago! Mak

