Chapter 2

1850 คำ
“Hoy, bruha ka. Sabihin mo sa akin, may sugar Daddy ka ano?” ang sabi ni Vane pagkatapos nya akong banggain habang naglalakad ako papunta sa aming classroom. Third year college kami at isa siya sa mga mabubuti kong kaibigan. Mayaman sila samantalang kayod marino kami ni nanay at apply dito apply doon ako sa mga scholarship program ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at ganun din sa mga private sector ang ginagawa ko. Madalas din niya akong tinutulungan sa aking mga school needs kaya naman malaki ang pasalamat ko sa kanila. “Anong pinagsasasabi mo?” ang tanong ko naman din. “Kitang kita ng aking mga tantalizing eyes na bumaba ka sa magarang sasakyan. Hindi sa first time kong makakita non, pero dahil first time kang bumaba sa ganon. Taxi nga ipagpapamisa mo pa eh, sa mamahaling grab pa kaya?” “Pwes, napuwing yang tantalizing eyes mo dahil mali ang nakita mo.” “Hoy Jessabel, hindi pwedeng magkamali ang aking paningin kaya umamin ka na, sino ang sugar Daddy mo?” “Mali nga ang tingin mo dahil dyan sa fake eyes lashes mo, kaya niloloko ka na ng iyong paningin!” “Jessa…” ang akala mo bata na sabi nito habang pumapadyak pa. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa dito. “In time, sasabihin ko sa inyo. Sa ngayon, negative pa.” ang sabi ko na lang ma ikinalaki ng kanyang mga mata. “Trulalu? Ayaw mo kay Jay Marc na super yaman at patay na patay sayo tapos waiting ka sa positive result ng pagkakaroon mo ng sugar Daddy?” “Mas mayaman siya kay Jay Marc.” ang sabi kong parang wala lang, pero iyon naman talaga ang totoo. Nanlaki tuloy ang ayon sa kanya ay tantalizing eyes niya. “I need to be the first to know, bruhilda ka!” ang babala nito sa akin at tumango na lang ako para matigil na ito bago kami tuluyang naglakad papunta na talaga sa klase namin. Naging maayos ang buong maghapon ko kahit na manaka naka kong naaalala si Alaric at ang kasunduan namin. Napailing ako dahil mukhang hindi siya mapipilit ng dalawang Navarro sa buhay niya. Nang malaman ko kung sino ang mapapangasawa ko ay agad kong inalam ang ilang bagay tungkol sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga impormasyong nakalap ko. Hindi ako makapaniwala na isa sa mayayamang angkan ng bansa ang pamilya nila. Napaisip tuloy ako kung paanong naging mag-beshie ang lola ko at si lola Margarita. Bakas naman sa mukha ng matanda ang pagiging mabait nito pero talagang mahirap maisip ang pagiging mag friendship nila. Well, mayaman din naman ang mga kaibigan ko pero hindi kasing yaman nila. Ganun yata talaga, sadyang may mga taong kagaya ko at ni lola na swerte sa mga kaibigan. Balik kay Alaric, hindi ko malaman kung paano ko ito pakikisamahan. Mantakin mong kali kaliwa pala ang babae nito at ang lakas pa ng loob na tanggihan ako? Excuse me, never been kissed, never been touched kaya ako no! At kahit pa marami sa mga schoolmates ko ang nagpapalipad hangin sa akin ay wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Kahit pa si Jay Marc na anak ng haciendero sa bohol. Aanhin ko naman ang kayamanan niya kung hindi ko naman siya gusto at wala ako kahit na katiting na nararamdaman para sa kanya. Mahirap maging mahirap pero mas mahirap yata ang maging mayaman sa paraang nasa harapan ko. Ipinilig ko na lang ang aking ulo at minabuting ipaubaya na sa dapat pagpaubayaan ang lahat. Kinabukasan ay wala akong pasok sa school at sa trabaho. Pinagresign na ako actually nila Lola Margarita at Mommy Alaina. Naks naman… klowwwws… Kahit daw hindi kami makasal ni Alaric ay sila na ang bahala sa pag aaral ko. Kahit nakakahiya ay tinanggap ko naman. Hindi dahil sa kapal ng feslak ko, kung hindi, talagang kailangan ko ang tulong nila. Parang ganun na rin pala iyon. Hahaha… Naisipan kong samahan si Nanay sa pagpapa check up ni Lola at paalis na kami ng biglang tumunog ang aking cell phone na iPhone 15, 16, 17, 18 eleven hundred pro tuna. In short, android phone na never heard ang brand. Basta may magamit lang ba.. "Hello," number lang pero sinagot ko na kasi baka importante. "See me now." Ang sabi ng nasa kabilang linya. "Hoy! Huwag mo akong abalahin. Kung wala kang magawang matino, mag jack cool ka para malibang ka at hindi mang abala ng iba!" Ang pasigaw kong sabi bago in-end ang call. "Sino ba yon? Tsaka ayus ayusin mo nga ang pagsasalita mo Jessa, kababae mong tao eh." Ang sita naman ni nanay. "Walang magawa eh. See him daw. Anong akala nya sa akin kaladkaring babae?" "Eh sino nga iyon?" "Hindi ko alam nay, kaya halika na para hindi tayo abutan ng pag haba ng pila." Ang sabi ko na lang sabay yaya na sa kanila dahil nakita kong malapit na ang grab na pina book ko. "May doctor ng kakausap sa amin, ipina appointment ni tita Marga." Ang sabi naman ni nanay. "Wow, close na kayo?" Ang panunukso ko sa kanya habang nakatayo kami at hinihintay ang papalapit na rin namang sasakyan. "Sira ka talaga. Iyon ang gusto nya kaya pagbigyan na natin. Malaking tulong ang binibigay nila sa lola mo, napakaliit na bagay lang iyon na magagawa ko para sa kanya." "Alam ko naman iyon, joke lang." Ang sabi ko saktong ayan na ang sasakyan. Pinagbukas ko sila ng pinto at inalalayang makasakay sa backseat bago ako sumakay naman din sa tabi ng driver. Nagbibiyahe na kami at nararamdaman kong panay ang pag-vibrate ng phone ko. Kaya lang ay yung number pa rin na yon ang nakikita ko kaya kina cancel ko na lang. Hanggang sa makatanggap ako ng message. Nagreply pa talaga? Bahala na nga siya, ayaw ko ng magtext dahil nahihilo ako. Hindi ako sanay na nagbabasa o nagtetext habang nasa moving vehicle. Baka mamaya ay masuka pa ako dito eh nakakahiya na sa driver magbabayad pa ako ng pampalinis sa sasakyan niya. Nakarating kami ng hospital at kagaya ng sinabi ni nanay ay may doctor ng nag-asikaso kay lola, iba talaga kapag may pera ang bilis ng serbisyo. O dahil private kaya ganun. Bago dito ay ilang public hospital na ang napuntahan namin at minsan ay kailangan madaling araw pa lang ay nakapila na kami dahil sa dami ng tao. Minsan naisip ko na ang hirap talagang maging mahirap. Medyo nagtagal kami dahil sa dami ng mga test na ginawa para kay lola. Nilahat lahat na nila ang pag check up. Kung baga sa paglilinis ng bahay eh, general cleaning, bilin daw ni Mrs. Navarro. Natuwa naman ang nanay ko syempre, mas makakahinga na siya ng maluwag ngayong alam nyang mabibigyan na ng sapat na atensyon ang lola. Ulilang lubos na si nanay ng mapangasawa ng tatay ko kaya naman si lola na ang talagang naging magulang niya. Pauwi na kami at naglalakad palabas ng hospital ng magvibrate ang aking cellphone, kanina pa iyon at ngayon ko lang ulit naalala. Na excite kasi ako sa kundisyon ni lola na sa awa ng Panginoon ay wala ng iba pang karamdaman maliban sa ulyanin na nga ito na kailangan na ding mabantayan. “Hello,” ang sabi ko, tinignan ako ni nanay at nag thumbs up ako para sabihing OK lang. “The driver is in front of the hospital.” sabi ng nasa kabilang linya bago in-end ang call kaya tinignan ko ang number at sigurado akong iyon ang gamit na pinang-text sa akin ni Alaric. So bakit may driver sa harap ng hospital? Siguro ay para ihatid kami pauwi kaya naman inakay ko na sila nanay. Yung driver na naghatid sa akin sa school ang nakita ko, ibang sasakyan nga lang ang gamit. “Ma’am, pinapasundo po kayo ni Sir Alaric.” “Oo. Anong naisipan ng Sir mo at pinasundo pa kami?” “Wala pong sinabi, basta po pinasusundo kayo at pinahahatid sa office nya.” “Ha? Eh paano ang nanay at lola ko?” Napakamot ng ulo ang driver. “Sige ganto na lang. Pwede bang pakihatid na lang sila sa bahay para makapunta na ako ng office niya?” “Saan ho kayo sasakay?” “Maggagrab na lang ako or mag-aangkas para mas mabilis. Mahirap ng uminit ang tumbong ng amo mong menopausal na.” “Kayo po ang bahala Ma’am. Ako na po ang bahala sa kanila.” “OK po. Salamat.” at tuluyan na ngang umalis sila at magbubook na ako ng angkas ng maalala kong hindi ko pala alam kung saan ang nag-oopisina nito. Natampal ko ng wala sa oras ang aking noo. Kaya tinawagan ko na si Alaric. “What is it?” ang tanong niya. “Text mo sakin complete address ng office mo.” ang sagot ko. “Alam ng driver kung saan to.” “Pinahatid ko sila nanay at lola pauwi kaya mag-aangkas na lang ako papunta dyan.” “What??” “Don’t expect me to let them go home by themselves dahil hindi ko gagawin yon. Mas gugustuhin kong hindi ka siputin kaysa ang pabayaan sila.” “Fine!” ang sabi niya sabay end ng call. Aba’t menopause na talaga. Tapos ay nakatanggap na ako ng text. Ang arte arte gagawin din pala. At nagbook na nga ako. Dahil motorsiklo aba eh sobrang bilis ko syempre. Nakarating ako ng company niya at nakakamangha dahil isang buong building iyon. Pagpasok ko ay itinanong ko kung saan ang office ng menopause na si Alaric. “May appointment po kayo?” ang tanong ng nasa reception. “Wala eh, pakisabi na lang si Jessa.” ang magalang kong sagot kahit na kakaibang tingin ang ibinibigay niya sa akin. “Wait lang po.” ang sabi naman nito ulit. Hindi man lang nagbilin na kapag may maganda, bata, kaakit akit na babaeng dumating ay padiretsuhin sa office nya, samantalang siya naman itong nagpapunta sa akin. “OK,” narinig kong sabi ng babae sa kausap tapos tumingin ito sa akin habang ibinababa ang telepono. “Pasensya na, sana sinabi mo na sa insurance ka. Sige po tuloy na po kayo sa 30th floor.” Insurance?? Sa dinami dami ng dahilan, insurance pa talaga? Pwede namang scholarship beneficiary niya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat bago nagpunta ng elevator. Ang taas taas pa ng office, ayaw magpa-reach. Paglabas ko ng elevator ay hinanap ko na agad ang office niya. Sa mga kdrama ay may mga nakalagay na CEO sa pintuan kaya doon ako tumingin. “Ms. Jessa?” ang sabi ng boses lalaki sa likuran ko. “Yes,” “This way po.” sumunod naman ako kaysa maghanap pa. Assistant siguro ng menopause na si Alaric. Kumatok muna ito bago binuksan ang pinto at pinauna akong pumasok. Napatda ako at napatigil na naging dahilan ng pagka bangga sa akin ng lalaki sa likuran ko. Anak ng tokwa naman, ang walang hiyang Alaric masayang masaya habang binoblowjob. “What the—” ang sabi pa niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม