2

932 คำ
Pag dating sa Museum ay talaga namang namangha si Charm ng makita ang napaka lawak na loob nito. Wow! this place look so amazing!diko na mabilang kung ilang wow,naba ang nabulalas ko simula ng pumasok kame sa loob dahil feeling ko hindi museum ang pinuntahan namin kung hindi isang palasyo, Napaka sosyal ng design sa loob,purong marmol at lahat ng chandelier sa lobby hanggang sa center hall ay nababalutang ng kulay gold kaya lalong lumiwanag sa loob,halos salamin lahat ang mga cabinet at divider rock na nandoon at feeling ko sobrang tibay ng pag kakagawa ng building na ito.. Sabi nila sobrang tanda na ng mga kagamitan na mga naka display sa museum,pero satingin ko lahat ay mukha paring mga bago..Sa sobrang laki ng museum ay gusto ko ng simulang libutin ang bawat sulok nito. I was about to appreciate the beauty of hall,from the small details until to the biggest,nang biglang may sumalubong kay Sammy at may pinag uusap ang dalawa na satingin ko ay about business.. Hey Mahinang tawag ko dito at sabay lingon sakin at bumulong, Later may kausap pa ako Charm,cant you see? He said to me while wearing his fake smile. Okay, Maikling bulong ko dito. Pag katapos ng mahigit sampung minutong pakikipag usap nito ay binalingan nadin ako ng tingin.. What! Im boring!,gusto kung mag ikot ikot. No ill come with you! No!no! mabilis kung pagtangi dito,dahil sigurado makikipag usap lang to ng makikipag-usap sa mga nandoon.. Okay fine! i call you later! Yes Sammy!Nakangising kung sabi dito at mabilis na umalis sa kinatatayuan niya.. Bago maglisimulang maglibot ay nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga,dahil naalala niya ang sinabi sakanya si Sammy na nadoon rin sa museum si Vince. Mabilis na iginala nito ang kanyang paningin at nagbabaka sakaling makita roon si Lukaz,ngunit imbes na tao ay isang malaking frame ang umagaw sa kanyang paningin. Mabilis niya itong nilapitan upang makita sa malapitan, at binasa niya ang naka guhit na taon sa ilalim na bahagi nito. Isang lumang larawan ang naroon,isang babae at lalaki na nakasuot ng isang lumang kasootan,. (Taon 1519 ) wow ang tagal na pala neto.? Bulong na sabi ni Charm sa sarili habang masusing pinag mamasdan ang ilang pang mga larawan na katabi noon. Ang ganda no?Maganda rin ang kuwento ng larawan na iyan. Isang baritong boses na nag mula sakaniyang likuran ang narinig ni Charm at mabilis naman siyang napalingon roon. Lukaz?oh my god ikaw ba yan? Nakangiting tanong ni Charm sa lalaking nasa kanyang harapan,dahilan upang ngitian siya nito ng napaka ganda. Nagulat ba kita Charm? Malambing na tanong nito sakanya dahilan upang lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa kanyang mga labi. Nako,hindi naman sa ganon,teka alam mo naba ang kuwento ng bawat larawan dito? Yeah, actually iyon yung dahilan kung bakit ako nandito para ipaliwanag sa lahat ng guest kung ano nga bang kahulugan at kuwento sa bawat larawan at mga gamit na nandito. Nakangiting pagpapaliwanag ni Lukaz kay Charm. Gusto mu bang ikuwento ko sayo kung Ano ang kuwento sa likod ng larawan na ito? Sabay turo nito sa larawan,tumango naman si Charm rito at seryosong nakinig ng nagsimula ng mag kuwento si Lukaz Si Fides ay isang magiting na mandirigma at anak ng isang Datu na mula sa tribu ng mga manobo at tapat sa pamumuno ng Rajah. Ayon sa kuwento nagkagusto si Fides sa anak ng Rajah na si Sanaya at hindi naman tinutulan ng rajah ang umusbong na pag iibigan ng dalawa bagkus ay binasbasan niya ang dalawa sa kanilang kasal. Ngunit isang malagim na trahedya ang nangyari dahil isang araw matapos ikasal ng dalawa ay nilusob ng mga banyagang mananakop ang banwa na nasasakupan ng Rajah at kasama sa nasawi ang asawa nito at ang dalawa nitong anak na binukot/prinsesa. Hah? Si Sanaya ba yung isa sa prinsesa na namatay? Gulat na tanong ni Charm kay Lukaz at tumango naman ito at nagpatuloy sa kuwento. Kasama sa napatay si Sanaya dahil ayon sa kuwento ay naiwan si Sanaya sa kanilang balay(bahay) habang wala si Fides tanging mga taga pag silbi lamang ang kasama nito na kapwa walang laban sa mga mananakop. Dahil ang pangkat ni Fides ay abala sa pag-eensayo sa nalalapit na pag lusob ngunit nilinlang sila ng mga kaaway dahil lumusob ang mga ito sa araw na di inaasahan. Hindi lubos matanggap ai Fides ang nangyari sa kanyang asawa kayat sa araw din iyon ay kinitil nito ang kanyang buhay at bago iyon,hiniling nito sa isang babaylan na bigyan siya ng orasyon kung saan magkakasama sila ng kaniyang asawa hanggang sa kabilang buhay. Nais pa sanang magtanong ni Charm kay Lukaz dahil tila may kung anong kaba itong nararamdam tungkol sa kuwento pakiramdam niya ang bawat kinukuwento nito ay minsan niya ng napanaginipan. Ngunit isang lalaki ang dumating at tinawag si Lukaz upang magpunta na ito sa intablado para simulan na ang opening ceremony ng event. Maayos naman itong nagpaalam sa akin at hinayaan ko itong makaalis,ilang sandali pa ay nag simula na ang pagsasalita nito sa harap kaya't nagtungo narin ako roon upang makinig ngunit bago iyon ay muli kupang sinulyapan ang nasabing larawan. Nakatingin at nakikinig ako sakanya habang nagsasalita ito sa harapan ngunit ang isip ko naman ay tila lumilipad at paulit ulit na binabalikan ang kuwentong aking narinig . Dahil tila may kung anong kirot sa puso ko habang pinapakingan ko ang kwento ni Lukaz,pakiramdam ko habang nagkkwento siya ay tila nasasalamin ko sa isip ang bawat pangyayari sa panaginip ko na kung saan may isang babae at lalake na nag mula sa lumang panahaon,
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม