YEAR 2021 |PAGKILALA
Pag gising ko ay naramdaman kong may kamay na humaplos sa mukha ko at napa balikwas nalang ako ng makita kong naka upo si Fides sa gilid ng kama ko habang pinag mamasdan ako sa pag tulog ko,
Mabilis akong umusog at bumangon tinanong ko ito kung anong ginagawa niya saken ngunit hindi naman nag sasalita at nginitian lang ako at aakmang tatayo ay mabilis ko itong tinawag..
Wait!
Mamaya may shooting kame jan sa labas at kung maaari lang sana ay wag kang lalabas hanggat hindi ako bumabalik don't worry mag iiwan ako ng pag kain dito sa kwarto para hindi ka magutom..
Tumingin lang ito sa akin at tumango,
Pagkatapos ay naligo na din ako at nang matapos ay mabilis akong nag ayos at bumaba naabutan ko roon si Sammy naka upo na sa harap ng lamesa..
Oh good morning Charm,okay kana ba?
Tumango naman ako at mabilis na ngunmmiti.
Si Lukaz?
Tanong ko rito habang naghahanap ng plato sa loob ng kusina.
Maaga siyang nagpunta sa set nagkaproblema kasi sa isang video clip paara sa triller,pero binilin niya sa akin na pakainin ka muna bago mag punta sa venue .
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Sammy,napakabsweet talaga ni Lukaz.
Ganoon ba kung ganon dadamihan kuna ang kakainin ko ngayong araw,
Nakangisi kung sagot sakanya habang nilalagay ang apat na piraso ng slice bread at sausage sa plato ko kumuha rin ako ng keso at saging at nag bitbit ng kape.
Oh my god, seriously mauubos mo yan?
Pagtatakang tanong sa akin ni Sammy at pinigilan pa ang kamay ko sa pag hawak sa plato.
Oo naman,nagutom ako ng sobra kagabi remember hindi nako naka pag hapunan?
Nakangisi kung sagot dito na kinataas naman nito ng kilay..
Okay,pero saan kana man pupunta at bakit bitbit mupa yang plato mo?
Sa kuwarto nako kakain mukang tapos ka naman ng mag almusal eh,
Sabay turo ko sa plato nitong wala ng laman,
Osya sa bagay,mas maganda nga doon kana lamang kumain sa kuwarto mo at ng maka paligo na ako..
Pagkasabi ni Sammy noon ay kinuha narin nito ang kinainan at inihatid sa kusina.
Nga pala Sammy paki sabi kay Lara doon niya nalang ako sa set ayusan,susunod na lang ako doon agad pagkatapos kung kumain.
Pahabol kung sabi dito bago pa ako bumalik sa kuwarto kung saan nag hihintay si Fides.
Pag kabukas ko ng pinto ng kuwarto ay nakita ko itong nasa harap ng binta at naka dungaw sa labas.
Fides kumain kana muna,
Naka ngiting kung sabi sakanya at agad naman siyang lumapit sa akin ,,
Ano ang nagaganap sa labas?
Hah?ah meron kasi kaming shooting doon mamaya,
Anong shooting?
Ahh?ano iyon,ahhhm isa iyong proyekto para gumawa ng isang palabas,o pelikula tapos kami ang gaganap doon.
Ano ang pelikula?
Hah?hindi mo rin alam ang pelikula?
Nagtataka kung tanong dito,pero umiling ito at sinabing hindi niya iyon naiintindihan,kayat kaysa mag paliwanag ay pinakita ko na lamang ang cellphone ko sakanya at pinakita ko ang mga palabas na pwede kung i example bilang isang pelikula.
Pansin ko sa mukha nito ang pagtataka kung bakit may nakikita siyang tao sa maliit na bagay na pinahawak ko sakanya.
Napapanga nalang ako sa mga tanong nito kasi ang hirap ipaliwanag ,napapaisip tuloy ako kung kelan ba naimbento ang tv noong unang panahon
Ang tawag dito cellphone,marami kang pelikula na puwedeng mapanuod dito,tulad nito, panoorin mo ito dahil ako ang bida jan! Ang ganda ko no?
Proud na proud kong sabi dito at tila titig na titig naman sa movie na pinapanuod ko sakanya.
Ikaw ba ang tao na nandito?
Sabay turo ni Fides sa babaeng lumalabas sa screen ng cellphone ko ..
Oo ako yan,
Nakangisi kung sabi dito,at humarap naman ito sakin at nagsalita.
Maganda pala ang tawag saiyo?
Nakangiting tanong sa akin nito,na kinasimangot ko naman,
Anong sabi mo?hindi kaba kumbinsido na maganda ang tawag sa tulad ko?
Nakasimangot kung tanong dito,habang naka krus ang dalawa kung broso sa tapat ng dibdib ko.
Hindi naman sa ganon,ang ibig kung sabihin ay napaka ganda ng mong babae.
Nako palusot pa tong bwisit nato!Bulong ko sa isip ko.
Nga pala okay lang ba saiyo na iwan muna kita mamaya dito?
Okey ka lang ba dito hindi kaba naiinip?
Pasensya kana huh hindi kita pwedeng ilabas ehh kasi ganyan pa yung damit mo at baka pagkaguluhan kapa nila.
Hayaan mo mamayang pag balik ko ay ihihiram kita ng damit kay Sammy
Nakangiti kung sabi sakanya.
Pag katapos niyang kumain ay nag paalam na din ako sakanya na lalabas ng biglang----
Let's Go Charm!!-- Oww my!sino yan!?
bakit may naka pasok dito Charm!
Malakas at pasigaw na tanong ni Sammy na may gulat na ekpresyon sa mukha.
Wait Sam Ssssssshhhh! Wag kana mang sumigaw!
Siya si Fides aah-ano ahhmm piinsaan!pinsaan ko siya!
Oo pinsan ko siya, Ano kasi kailangan niya ng trabaho kaya pinasok ko siya dito,,'
Palusot kung tugon kay Sammy.
Fides?Ano siya yung bida sa pelikula natin ganon?at teka nga anong sabi mo,Pinsan!dito?kailan kapa nag ka pinsan dito sa tawi-tawi aber?
Ano kasi Sam mahabang kwento,basta mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo ito,
Teka nga bakit ba kasi ganyan ang suot niya?
Pagtatakang tanong niya habang tinuturo ang bahag ni Fides,
Diba nga sabi ko kailangan niya ng trabaho!kaya ayon pinag extra ko siya dito sa shoot natin bilang isang kawal na mandirigma..
Basta Sammy mamaya kuna lang ipapaliwanag sayo.
Sabay hatak ko dito palabas ng kwarto,at bago pa kami labas ay nag bilin ulit ako kay Fides na wag siyang lalabas mg kwarto.
Teka nga lang Charm,pinagpala palang talaga ng lahi niyo ano?, imagine ang guwapo ng pinsan mo!
Tell me,single ba siya?
Sammy!ano kaba naman pati ba naman si Fides,
Ano kaba naman dika na mabiro,i mean is baka wala pa siyang manager puwede ko siyang kunin,tutal sabi mo kailangan niya ng trabaho.
Hindi ko pa alam ehh,basta mamayang pag katapos ng shooting pwede mo ba akong pahiramin ng damit na kakasya kay Fides?
Oh my god you mean,wala siyang dalang damit?
Tumango naman ako dito at sinabi ko nalang na biglaan kasi ang pagsunod niya sa akin dito sa tawi-tawi mt mukang naniwala naman siya sa palusot ko
Wait lang,talaga bang Fides ang pangalan niya Charm?,
Ah hindi,nag kamali lang ako ng sabi kanina ang pangalan niya Fidel,oo sya si Fidel,
Nakangisi kong sabi dito,buti na lamang ay nakarating na kami sa set,at natigil na ang pagtatanong sa akin ni Sammy,dahil sa totoo lang ay mauubusan na ako ng isasagot sakanya.