YEAR 2021| ANG HULING GABI
Pag dating ko sa kwarto ay nakita kung nakatayo si Fides sa harap ng bintana at nakatitig sa dagat nilapitan ko ito at tinanong kung anong iniisip niya humarap naman sa akin ito at inabot ang dalawa kung kamay.
"Charm kung sakali bang nagkita tayo noon pa satingin mo maaalala mo pa rin ako hanggang ngayon?"
"Oo naman lalo na kung naging malapit tayo sa isat isa at naging parte ka ng buhay ko sigurado akong hindi kita makakalimutan kahit ilang araw,buwan at taon pa ang lumipas."
"Makalimutan ka man ng isip ko pero hinding-hindi ng puso kasi nandito kana"Sabay turo ko sa dibdib ko"
Habang sinasabi ko iyon ay parang natutunaw ang puso ko dahil pakiramdam ko nagkita na kami noon pero kinalimutan ko siya sa paglipas ng panahon.
Bago paman bumagsak ang luha ko ay tumalikod nako sakanya at huminga ng malalim at tsaka ako muling nag salita.
"Ano ba yan kung ano-ano tinatanong mo,tara na nga kumain na tayo at anong oras na."
Pag aaya ko sakanya habang mabilis kung inilalapag sa may coffee table ang laman ng tray na dala ko.
Habang kumakain kami ay nag kkwento ako kay Fides ng buhay ko sa manila at inalok ko sya kung papayag siyang sumama sa akin sa manila at pumayag naman ito kahit labag sa kalooban niyang iwan itong isla na sinasabi niyang lugar na kanyang kinalakihan.
Pag katapos naming kumain ay niligpit kuna din agad ang kinainan namin at hinatid iyon sa kusina.
Pag pasok ko sa kwarto ay wala ito loob at pag kasara ko ng pinto ay dinig ko ang lagasgas ng tubig mula sa banyo kayat naisip kung baka naliligo iyon mabilis kuna ring iniayos ang damit pampalit niya na hiniram ko kay Sammy.
Tila na estatwa naman ako ng makita ko itong lumabas sa pintuan ng banyo,napalunok muna ako bago naka pagsalitang muli.
A-ahhh ito yung damit mo,Sabay abot ko sa kanya ng damit at isang cotton na short..
Inabot niya naman iyon at muling nag balik sa loob ng banyo,Halos hawakan ko naman ang dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito..
Para akong naka kita ng model sa isang mens magazine dahil grabe ang ganda ng katawan niya parang alagang ala sa gym.
Bago pa ito lumabas ng banyo ay inilatag kuna ang higaan nito at mabilis akong humiga sa kama para magtulog-tulugan sana kaso bago kupa ipikit ang mata ko ay lumabas na ito.
Syet! Bulong ko sa isip ko ng mapansin ko a-ang hinaharap niyang nakabakat."Oh my God!"wala nga pala siyang suot na brief!
Mabilis akong tumalikod ng higa para hindi ko siya mapansin,Pakiramdam ko ay merong kumikiliti sa katawan ko at naglalarong paro-paro sa tyan ko.
Ramdam ko rin na humiga na sya sa higaan niya kaya't naka hinga na ako ng maluwag.
Mula sa loob ng kuwarto ay dinig ko ang malakas na hampas ng hangin at malakas na buhos ng ulan dahil doon ay nakaramdam na din ako ng lamig kaya't bumangon ako at hininaan ang aircon.
Sinulyanpan ko si Fides at nakita kung nakabaluktot ito ng higa at pansin kung giniginaw din ito at siguradong malamig ang lapag na hinihigaan niya dahil isang manipis na blanket lang ang sapin noon.
Fides gising kapa ba?Dito kana lang sa kama matulog malamig kasi jan sa lapag,
Hindi naman ito tumangi mabilis itong bumangon at doon na humiga sa kama katabi ko pero parang ako naman yata ang hindi makakatulog nito dahil feeling ko ay dinig niya ang malakas na pag t***k ng puso ko.
Charm?pwede ba kitang yakapin ng mahigpit?
Pagkasabi niya noon ay halos takasan na ako ng bait at kahit naka talikod ako sakanya ay pakiramdam ko nagtataasan ang lahat ng balahibo ko sa likod ramdam ko din na umusog siya sa tabi ko at dinig ko ang pag hinga niya ng malalim at pag dampi ng labi niya sa balikat ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko at hinayaan ko lang siya sa ginawa niya,ngunit isa lang ang malinaw sa puso ko alam ko sabik ako sa yakap niya dahil pakiramdam ko ito yung yakap na matagal ko ng hinihintay.
Charm hayaan mo lang sana ako sa gusto kung gawin pakiusap wag mo akong itataboy palayo sayo sobrang sabik akong yakapin ka mahal ko.
Ayun ang huling katagang sinabi ni Fides habang yakap niya ako ng sobrang higpit at ilang minuto lang ay narinig ko na ang mahina niyang pag hilik tanda na ito ay mahimbing ng natutulog.
Sa mga oras na ito ay pakiramdam ko prino protektahan ako ng taong mahal ko alam kong sa paningin niya ay ako ang asawa niya pero para sa akin isa siyang taong matagal ko ng hinihintay.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na rin ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata at diko na namalayan na hinila na din ako ng antok.
•••• Hello Readers!!! Thank you po sa pag tatyagang pagbabasa in every Chapter makikisuyo na din po ako pa vote naman ako ng story at maraming salamat po !!!••••