Chapter 01
"Are you sure about this Selene?" Kunot noong tanong ni Minerva sa Luna ng Crescent Red Moon Pack. Nag aalala s'ya sa gustong mangyari ni Selene.
"Minerva, matagal ko itong pinag isipan. Alam kong magiging masaya si White Tiger."
"Bakit? Nagkakaproblema ba kayo nitong mga nakaraang araw?" Hinawakan ni Minerva ang kamay ni Selene na nakapatong sa kandungan nito. "Selene, nakikita kong masaya si White Tiger sa pagsasama n'yo, isa pa, sinabi mo na ba sa kanya ito?"
"Hindi naman n'ya kailangang malaman." Ngumiti si Selene kay Minerva, Alam n'yang nag aalala ang kanyang kaibigan. Gusto n'yang bigyan ito ng assurance na magiging okay ito.
"Hindi lang naman si White Tiger ang magiging masaya, pati ang buong pack, Minerva." Tumayo mula sa pagkakaupo sa narrang upuan si Selene. Andito sila sa may teresa ng kanilang bahay, sa ikalawang palapag. Naglakad si Selene, papunta ng b****a ng teresa, nakaharap sa kagandahan ng Crescent Red Moon.
Hindi lubos akalain ni Selene Ivory Mikhole, isang simpleng pureblood vampire, na iibig sa isang dominanteng werewolf na ang pangalan ay Grayson Crescent. Naalala n'ya pa ng lumapit ito sa kanya habang namamasyal s'ya sa plaza ng Avinitez, tinawag s'ya nitong "mate", nung una hindi n'ya ito maintindihan dahil napatanga s'ya sa kakisigan nito. Ang mga werewolves na ata ang lubos na pinagpala ng kanilang diyosa ng buwan kung sa pisikal na anyo ang pagbabatayan.
Nakaramdam rin naman ng attraction si Selene towards Grayson, gusto lang n'yang masiguro ang nararamdaman nito kaya ginawa n'ya ang lahat ng klase ng pag iwas dito, ngunit pinagkakaisahan ata s'ya ni Grayson at ng kanyang puso.
Isinama ni Selene ang kanyang kapatid, na si Ebony, ulila na silang magkapatid at ayaw n'yang mawalay ito sa kanya, pumayag naman si Grayson, Ang sabi nga nito ay "the more, the merrier." Sa una'y nangangamba si Selene na baka hindi sila tanggapin ng kanyang kapatid sa pack na kinabibilangan nito. Hinawakan ni Grayson Ang kamay ni Selene sa nagpapahiwatig ng hindi n'ya ito papabayaan at isang ngiti ng puno ng seguridad.
Hawak si Ebony sa kanyang kaliwang kamay, habang hawak ni Grayson ang kanyang kanan, sabay nilang pinasok ang nakabukas na trangkahan ng Crescent Red Moon Pack.
"Naalala ko pa, noong bumaba sa pamumuno ang kanyang ama." Napuno ng halakhakan ang Teresa dahil sa alaala ng nakaraan.
"Oo, naalala ko yun. Sino ba ang makakalimot? Kahit ata ang buong pack ay hindi makalimutan yun." Hindi na naalis ang ngiti ni Minerva sa kanyang labi.
Noong bumaba sa panunungkulan bilang isang Alpha ang ama ni Grayson, bilang bagong Alpha na manunungkulan, bibinyagan ito ng bagong pangalan. White ang nasa unahang pangalan nito na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng malinis at malawak na kaisipan na pamunuan ang buong pack. Ang ikalawang pangalan naman nito ay ang taon ng kapanganakan nito.
"Grayson Crescent, bibinyagan ka sa pangalang White Tiger bilang bagong Alpha ng Crescent Red Moon Pack, bilang bagong ama ng Crescent Red Moon..."
Itinalaga rin bilang kanyang Beta ang kababatang si Prime at Uno, ang kanyang Gamma na sina Nickel at Rine.
"Kapag nagkaanak kami ni White Tiger, wag sanang ipanganak sa panahon ng mga kuneho, magtutunog itong candy."
Natatawang wika ni Selene, nagtawanan rin ang buong pack sa tinuran ni Selene.
Matuling lumipas ang panahon, may mga dumarating mang uno's sa buong pack, ito naman ang nagpapatatag sa kanila. Sa pamumuno ni White Tiger, mas maging malawak ang nasasakupan ng Crescent Red Moon, nadagdagan rin ang mga alyansa at napagtibay pa ang mga dati ng kaalyaansa.
Hindi man hinihingi ni White Tiger, alam nitong nasasabik na ito sa isang anak.
Kaya ngayong Gabi, sa tulong ni Minerva, maipupunla sa kanyang sinapupunan ang taga pagmana ni White Tiger.
"Nasabi mo na ba ito Kay Ebony?" Tumango si Selene bilang tugon sa tanong ni Minerva.
"Yun pa?! Hindi yun magpapahuli. Sobrang excited pa nga, dapat daw manganak ako ngayong taon para hindi maging candy ang pamangkin n'ya." Sa susunod na taon ay taon ng kuneho, kapag hindi s'ya nagbuntis ngayong sa susunod na buwan, nangyayari ang kinakatakutan ng kanyang kapatid.
"Kamusta na pala si Ebony?"
"Sumasama s'ya sa mga Hunters. Hindi naman s'ya pinapabayaan, malimit lang silang mag away ni Nickel."
"Isang Gamma ang bumihag sa malapalos na puso ni Ebony."
"Nakakaawa nga si Nickel, mukhang under ni Ebony."
"Narinig ko ata ang pangalan ko." Si Ebony, may dala dalang tray na tatlong basong juice at cookies na nakalagay pa sa jar.
Inilagay nito ang dala dala sa coffee table, at umupo sa kaharap na upuan ni Minerva.
"Nagpapasalamat ako kay Alpha at sa Crescent Red Moon, sa pagtanggap sa akin, syempre, iba ang case ko dahil sampid ako dito, pero tinanggap nila ako." Nagsalin ng juice sa baso si Ebony at inabot ito kay Minerva, nilagyan n'ya rin ang natitirang dalawang baso para sa kanila ni Selene. Umupo sa tabi ni Ebony si Selene.
"Tanggap na tanggap ka, lalo na ni Gamma Nickel." Tukso Naman ni Selene na ikinangiti ni Ebony.
Scented wood, green grass and mint scent. Ahh...
My Beloved.
Hindi pa man nakakaakyat ang Alpha, bumaba na si Selene para salubungin ang asawa, hindi na nga ito nakapag paalam sa dalawang kausap sa sobrang pagmamadali, masyadong excited.
"Dahan dahan Mahal ko, madadapa ka sa pagmamadali mo." Abo't tenga naman ang ngiti ng bagong dating na Alpha.
"Namiss kase kita ng sobra." Sinalubong n'ya ng yakap at halik Ang asawa.
"Mas namiss kita, Mahal ko." Agad namang tinanggap ni White Tiger ang matamis na labi ng kabiyak.
"Ehem!"
Sabay silang napatingin sa istorbong Gamma na under naman ng kabiyak nito.
"Alam po naming sabik na sabik kayo sa isa't isa, Luna, Alpha, pero kailangan nyo munang mag antay, may kailangan pa po tayong dapat asikasuhin." Nakayukong tugon ni Beta Prime.
"Agad?! Kadarating nyo lang." Disappointed is all over to her beautiful face.
"Tatapusin ko agad ito, at babalik ako agad. At sa pagbabalik ko, humanda ka sa akin." Bulong nito, kinindatan s'ya ng Alpha, at mabilis s'yang kinintalan ng halik sa labi.
Tumangong nakangiti ang Luna, sisiguraduhin n'yang nangyayari ito ngayong gabi. Pagkatapos magpaalam, pumasok uli s'ya sa loob ng bahay, prenteng nakaupo sa sala ang dalawang babaeng naiwan n'ya kanina sa teresa. May inabot na isang botelya si Minerva kay Selene, ito ay ihahalo n'ya sa kanyang inumin, vitamins pangmatagalan. Nakangiti si Selene sa kanyang kapilyahan, nakakasabay naman s'ya sa s*x drive ng asawa, kapag nakakaramdam na s'ya ng pagod ay tumitigil na rin ito, sa ngalan ng pagkakaroon ng heiress.
Humanda ka, My Beloved, walang tulugan tayo nito. Ngayon palang, ngiting tagumpay na si Selene.