Chapter 03
Maghahating gabi na ng tigilan ni White Tiger si Selene, napasabihan pa naman ni Selene ang kabiyak ni Prime na si Dos, na dadalawin n'ya ito. Nagluto muna si Selene ng ulam para naman may maidala s'ya pagsulpot n'ya sa bahay ng kaibigan, balak n'yang doon na rin maghapunan.
Pagkatapos makapagluto, umakyat uli sa ikalawang palapag si Selene, nagtungo sa kanilang silid ng Alpha, nagshower sandali, isang beige crop top na inilaliman n'ya ng racer sando at maong skirt, tinernuhan n'ya ito ng black ballet shoes.
Pagkatapos masiyahan ang nakikita sa salamin, nagpasya ng bumaba si Selene, isinalin ang ulam sa isang tupperware. Handa na si Selene mangapit bahay.
Hindi naman kalayuan ang bahay nina Prime at Dos, paglabas ng bahay ng Alpha, lalakad ka lang ng mga lima o hanggang pitong hakbang, nasa tapat ka na ng bahay nila Prime. Bilang Beta, kailangang malamit lang ang tinutuluyan nito sa tinutuluyan ng Alpha. Nasa likod bahay naman ang tinutuluyan ni Uno.
Hindi pa man s'ya kumakatok, bumukas na ang pintuan, at iniluwa nito ang babaeng hindi n'ya pagsasawaang titigan, mula sa maalon na kulay mais nitong buhok, kilay na parang inukit, maliit na katangusan nitong ilong, mamula mula nitong pisngi, manipis at pink na labi, dyosa na ang tingin ni Selene sa kaharap nitong si Dos.
"Luna, akala ko hindi ka na makakadalaw dahil maghahating gabi na." Hinatak s'ya nito upang makapasok na sa loob ng kabahayan. Kumuha na nito ang dala dala n'yang ulam at iginaya na sya nito sa kusina.
"Pwede bang Hindi ako makapunta?! Andiyan lang Ang bahay ko, Dos, ikaw talaga." Natatawang tugon ni Selene.
"Hahaha.. Ikaw naman, hindi ka na mabiro."
"Kamusta ang pagbubuntis mo?" Tanong ni Selene. Tinanggalan lang ng takip ni Dos ang dalang ulam ni Selene.
Nagsandok na rin ito ng kanin, habang kumuha na ng pinggan at ilang kubyertos si Selene. Pagkatapos makapag hain, sabay na umupo sa magkatapat na upuan sina Dos at Selene.
"Nitong mga nakaraang araw, parang tinatamad ako at ayokong nakikita Ang pagmumukha ni Prime. Ewan ko ba, pero nabubwesit talaga ako kapag nakikita ko s'ya." Nagsimula na itong kumuha ng pagkain n'ya at inilagay sa pinggan n'ya.
"Kawawa naman si Prime, wag mo namang pahirapan."
"Hmmm... Infairness naman kay Prime, ang haba ng pasensya n'ya." Si Dos na ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ni Selene dahil hindi ito gumagalaw.
"Ilang weeks ka na bang buntis?" Tanong ni Selene. Nagsimula na rin itong kumain.
"Two weeks. Two weeks na ngayon." Tango tango pang tugon ni Dos. Dinagdagan pa nito ng ulam ang pinggan ni Selene ng napansin nitong paubos na ang ulam sa pinggan n'ya.
"Si Ebony, three weeks namang buntis. Magkasunuran lang kayong dalawa." Pagbabalita pa ni Selene.
Nagsandok pa ng kanin at ulam si Dos, hindi alam ni Selene kung masarap lang ba ang luto n'ya o malakas lang talagang kumain ang kaibigan.
"Naikwento nga ni Prime kanina, nanigas pa nga daw si Nickel ng malaman na buntis pala si Ebony." Natatawang Sabi pa ni Dos. "Akala mo naman, ang magaling kong asawa, hindi hinimatay ng sabihin ko sa kanyang buntis ako."
Kamuntikan ng mabulunan si Selene sa hindi mapigilang natawa.
"Nakakahiya kaya, Luna. Nandito pa naman ang Alpha, si Kuya Uno, at ang mga Gamma, tapos hihimatayin s'ya. Hindi ko lubos maisip kung paano s'ya makipaglaban sa mga rogues." Nakataas pa ang maganda nitong kilay habang ng kukwento.
Natapos ng kwentuhan nila Selene at Dos ng puno ng halakhakan. Masaya rin kasing kasama ang kabiyak ni Beta Prime.
Nagpasya munang maglibot ni Selene sa pack. Napadaan s'ya sa training camp ng mga Epsilon, ang mga warrior werewolf, isang karangalan na ang mapabilang at mapangalanang Epsilon, ang ikakatagumpay ng bawat digmaan ay nakasalalay sa mga magigiting na Epsilon. Masisipag naman magtraining ang mga ito under sa pamumuno ni Gamma Nickel.
"Mahal na Luna." Nagsiyukuan ang mga Epsilon ng makita nila si Selene. Tinugunan naman ni Selene ng isang matamis na ngiti ang mga ito.
"Magpahinga muna tayo. Balik Tayo after an hour." Sigaw ni Nickel. Lumapit Naman sa kanya agad si Nickel.
"Mahal na Luna, anong ginagawa nyo dito? May kailangan po ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Nickel.
"Wala. Namamasyal lang ako, saktong napadaan ako kaya sumilip na rin ako."
Bilib rin naman si Selene kay Nickel, magagawa kasi nitong pamunuan ang ilang libong Epsilon, ang pagdisiplina na
lang sa mga baguhan ay mahirap na, paano pa kaya kung combat training na ang gagawing nila. Sa naiisip pa lang ni Selene, napapagod na s'ya.
Konting pag uusisa pa ni Selene kay Nickel tungkol sa mga Epsilon, ay nagpaalam na itong itutuloy ang pamamasyal. Hindi naman s'ya hinayaan ni Nickel na maglakad mag isa, tinawag nito si Java, ang babaeng pinuno ng mga Sentinel, ang taga pangalaga ng seguridad ng buong pack, na samahan si Selene sa pamamasyal.
"Mahal na Luna." Bati ni Java kay Selene.
Agad namang ikinawit ni Selene ang mga kamay sa braso ni Java, at nagsimula na silang maglakad.
"Java, magsalita ka naman. Mapapanisan ka ng laway nyan." May kasama pang yugyog sa balikat na Sabi ni Selene.
Napakamot tuloy Ito sa batok. Maliit lang si Java, hanggang balikat nga lang n'ya ito. Meron itong maitim na lagpas balikat na buhok, deep sitted eyes na sobrang alerto, matangos na ilong, malaman na labi na hindi ata ngumingiti.
Ang mga Sentinel ang masasabi n'yang pinaka mahirap na trabaho dito sa pack, nakasalalay sa kanila ang seguridad ng buong pack, hindi lang sila magaling makipaglaban kungdi matatalas rin ang kanilang pakiramdam. Marami ng nagtangkang pumasok sa Crescent Red Moon, dahil sa liksi at talino ng mga Sentinel, nagagawa nilang pigilan ang bawat pagbabantang pasukin ang pack. Sinisiguro nilang may mga bantay sa bawat boarder, at may mga back up pa ang mga bantay upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga ito, may iba pang lihim na nagbabantay sa bawat tahanan kaya naman makakatulog ka ng mahimbing na walang inaalala.
"Pasensya na po, Mahal na Luna, wala po kasi akong maisip na sasabihin." Hinging paumanhin ni Java.
"Ikaw talaga, masyado ka namang nahihiya sa akin." Pinapagaan ni Selene ang usapan para naman makapag open si Java.
"Kamusta naman ang lagay ng pack, Java, may mga nagbabantay pa rin bang pumasok dito."
"Lagi pong may banta, Luna, hindi naman po yan mawawala sa isang malakas na pack kagaya ng pack natin." Wika ni Java.
"Mabuti na lang may mga kagaya ninyong Sentinel at Epsilon na handang ibuwis ang buhay masiguro lang ang kaligtasan ng nasasakupan ng Alpha. Maraming Salamat." Masuyong hinaplos ni Selene ang braso ni Java na kanina pa n'ya hawak.
"Kami nga po ang dapat magpasalamat, sobrang tiwala ang binibigay ng Alpha sa amin. Kahit po ang Alpha, handa n'ya pong ibigay ang buhay n'ya para sa nasasakupan n'ya." May paghangang tugon ni Java. Mahal ni White Tiger Ang bawat isa na nasasakupan nito, kaya alam ni Selene na hindi magpapabaya ang asawa.
Nakasalubong nila si Raven, ang scout leader, na humahangos, meron bang hindi magandang balita at personal itong nagpunta sa pack para magreport.
"Mahal na Luna, Java." Bati nito.
"Raven."
"Nais ko po sanang makausap ng personal ang Alpha, Mahal na Luna."
"Wala s'ya dito. Kasama n'ya Ang kanyang mga Beta, may pagpupulong silang pupuntahan." Kahit kinakabahan, nagawa pa ring pakalmahin ni Selene ang tubig.
"Inaasahan po kase nila ako ngayong araw, hindi po nila nabanggit na may dadaluhan silang pangpupulong."
Gusto man ni Selene na ituloy ang pamamasyal, nagpaalam na ito kay Java. Isasama na n'ya sa pag uwi ang bagong dating.
"Mukhang importante ang iyong sadya, Hindi ka pupunta dito kung wala lang."
"Pasensya na po Mahal na Luna kung naistorbo ko kayo sa aking pagdating." Hinging paumanhin ni Raven.
"Wala yun. Halikan, habang hinihintay mo sila, kumain ka muna."
Iginiya ni Selene si Raven sa kusina, s'ya na dapat ang mag aasikaso dito ngunit magalang na tinanggihan nito ang nais n'yang gawin. Umupo na lamang si Selene sa bakanteng upuan Ang inantay si Raven sa ginagawa.
Ang mga Scout, sila ang nasa field, para silang mga detective, sila ang kumakalap ng mga impormasyon sa labas ng kanilang pack, taga hanap ng nawawalang kasapi ng pack, nag iimbestiga sa mga bagong tatag na pack, taga masid sa mga rogue na pinapaalis sa pack at ang mga Scout rin ang nagsisibi nilang taga pagsalita sa bawat pack at dahil dito nakakabuo sila ng matatag na alyansa at matiwasay na relasyon sa ibang pack.
Tumayo si Selene mula sa pagkakaupo, ng makarinig NG tumatawag sa kanyang pangalan. Iniwan muna ni Selene si Raven para makakain Ito ng maayos, mistulan kase itong ibon, kagaya ng pangalan nito, habang kumakain.
"Luna, andito ba si Ebony, kanina pa s'ya hinahanap ng Salutary." Naiinis na si Nickel at kitang kita ni Selene sa mukha nito. Ang Salutary ay ang kanilang doktor sa pack, o mas kilala sa tawag na herbal wolf dahil pero herbal ang gamit nito sa panggagamot.
"Ang sabi n'ya, pupunta daw s'ya sa hunter headquarters, pero kanina pa yun."
Ang Hunters ay hindi lamang sa paghuhuli ng kanilang kakainin magaling, magagaling rin silang assassins at kanilang sà kanila ang kapatid na si Ebony. And speaking of the devil...
"Baby, anong ginagawa mo dito?" At ang magaling n'yang kapatid, nakuha pa talagang magtanong.
"Nandito ang Salutary, kanina ka pa inaantay. Check up mo ngayon di ba?" Hala! Galit na si Nickel. Kapag ganito na ang sitwasyon, tupi na ang kanyang kapatid sa kabiyak nito lalo't si Ebony ang may kasalanan. Ngumiti lang si Ebony kay Selene, inangkla na nito ang kamay sa braso ni Nickel at sumunod na sa nag aantay na Salutary. Iba talaga ang may kasalanan, hindi na nakakapangatwiran. Hindi pa pala n'ya nauusisa siEbony tungkol sa pangbubuntis nito. Nasa ganoon s'yang pag iisip ng maamoy n'ya ang Asawa.
Agad namang lumapit si White Tiger, at ipulupot ang mga bisig nito sa katawan ni Selene.
"Kamusta ang pagpupulong?" Hinaplos ni Selene ang mukha ng asawa, nakakuno't noo kase ito.
"Hindi maganda, Mahal ko. May mga pagkakataon talagang magkakaiba ang mga opinyon ng bawat pack, pero maaayos rin Naman Ito sa susunod na pagpupulong." Kapag may mga hindi agad na nareresolba sa unang pagpupulong, may ikalawa uling pagpupulong na magaganap.
Inalalayan ni White Tiger si Selene na makapasok sa loob ng bahay, nakasunod dito si Prime at Uno.
"Kumain na ba kayo? Saluhan ninyo si Raven, kanina pa sya nag aantay sa into." Nagtanguan naman ang mga kalalakihan at sabay sabay na sila nagtungo sa kusina.
Pagkatapos maipaghanda ng pagkain ang mga bagong dating, agad nagpaalam si Selene sa mga ito, agad umakyat sa itaas ng bahay si Selene, alam n'yang may importanteng paguusapan ang mga ito.
Nagshower lang si Selene sandali, nang maginhawahan ay tinapos nito ang paliligo, isinuot ang paborito n'yang pajama at nahiga. Iniisip n'ya ang kinabukasan ng pack, nawa'y masulusyunan na ang mga indifferences na bawat pack para hindi ito pagsimulan ng sigalot. Sa ganoong pag iisip, hindi namalayan ni Selene na nakatulog na s'ya, hindi na rin n'ya namalayan ang pagtabi at pagyakap ng asawa..